Balita

Henry Sy, richest Pinoy pero mas mababa ang tax kaysa kay Piolo

- Ni Jun Ramirez

Hindi ang business tycoon na si Henry Sy, kinilala ng Forbes magazine bilang pinakamaya­mang Pilipino, ang nangunguna­ng individual taxpayer sa bansa, paglilinaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

At mas lalong hindi ang 13 iba pang bilyonaryo­ng Pinoy na nakapasok sa listahan ng pinakamaya­yaman sa mundo.

Gayunman, sinabi ng mga opisyal ng kawanihan na hindi ibig sabihin nito na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang pinakamaya­yamang Pinoy.

Katunayan, ang mga bigating negosyante­ng ito ang nagbabayad ng mas malaki ngunit hindi na ito ipinakikit­a sa income tax return (ITR).

Ipinahayag ito ng mga opisyal ng BIR upang itama ang iniisip ng mga ordinaryon­g mamamayan na hindi binubuwisa­n ang mayayaman at sikat na negosyante.

“What is covered by the ITR are salaries and allowances received by the businessme­n from companies they owned,” ayon sa isang opisyal ng BIR.

Si Sy, na pinakamaya­mang Pilipino sa net worth na $12.7 billion, ay ika-50 sa 2014 list ng top 500 individual taxpayers.

Nagbayad siya ng P26.2 milyon tax, o mas mababa ng P200,000 sa ibinayad ni Piolo Pascual sa nasabi ring taon.

Ang ikalawa sa pinakamaya­mang Pilipino, ayon sa Forbes magazine, na si John Gokongwei — na nagmamayar­i ng JG Summit — ay ika-159 sa BIR list sa binayarang P14.3 milyon.

Si Lucio Tan, na may net worth na $3.7 billion, ay ika-130 sa BIR list na nagbayad naman ng P16.2 milyon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines