Balita

Trillanes sa Robredo-Duterte dinner: It’s a trap

- Nina ELENA L. ABEN at ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Isa iyong “trap”. Ito ang reaksiyon ni Senator Antonio Trillanes IV sa pag-iimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo at sa tatlong anak nito upang makasalo sa hapunan ang sariling pamilya ng presidente.

Sa isang pahayag, nagbabala si Trillanes, kilalang kritiko ng Pangulo, na ang dinner invitation “is a trap to disarm and politicall­y neutralize her (Robredo)”.

Ito ay matapos na kuwestiyun­in ng senador ang timing ng imbitasyon sa panahong “Duterte is facing the biggest political storm yet of his term as president.”

‘SAME TACTIC’

Ayon kay Trillanes, ang imbitasyon ay “the same tactic Duterte used early on during his term wherein he belatedly offered a cabinet post to her ( Robredo) then made fun of her through his misogynist­ic remarks about her legs and knees.”

Binanggit din ng senador na bilang pinuno ng Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council (HUDCC) sa loob ng limang buwan, si Robredo “wasn’t even given the latitude to appoint her own people within her department.”

“Then when it was politicall­y convenient, Duterte unceremoni­ously kicked her out of he cabinet,” sabi pa ni Trillanes. “Now, he (Duterte) is at it again. Only the naive would be fooled.”

Sabado ng gabi nang sinegundah­an ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella ang pagkumpirm­a ni Duterte sa report ng GMA News na personal nitong inimbitaha­n si Robredo at ang mga anak ng huli sa hapunan.

DESTAB PLOT NAPAG-USAPAN

Kuwento ni Duterte, nangyari ang imbitasyon nang magkatabi at mag-usap sila ni Robredo sa pagdalo nila sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy nitong Biyernes.

Nabanggit ng Pangulo na napagusapa­n nila ang tungkol sa planong destabilis­asyon na ayon sa kanyang mga kaalyado ay pakana ng Liberal Party, gayundin ang tungkol sa mga reklamong impeachmen­t na kapwa nila kinahahara­p.

“She (Robredo) mentioned about [the destabiliz­ation issues], sabi niya, ‘wala ako diyan, ha?” kuwento ni Duterte. “Sabi ko, ‘I believe you’ and sabi ko, ‘Leni, left and right kasi ang intriga but ako [hindi ako] kasali d’yan sa impeachmen­t [moves].”

Matatandaa­ng pagbalik sa bansa galing sa Myanmar at Thailand nitong Huwebes ay hinimok ng Pangulo ang kanyang mga kaalyado, tagasuport­a at kritiko na tigilan na ang planong impeachmen­t laban kay Robredo at sa kanya.

 ??  ?? Sen. Trillanes
Sen. Trillanes

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines