Balita

Pagpapatal­sik sa adik na opisyal, hayaan sa botante

- Ellson Quismorio, Mary Ann Santiago at Leslie Ann Aquino

Iginiit kahapon ng isang kasapi ng oposisyong Magnificen­t 7 na hindi dapat na ipagpaliba­ng muli ang barangay elections na itinakda sa Oktubre upang mabigyang laya ang mga botante na patalsikin sa puwesto ang mga opisyal ng barangay na sangkot sa bentahan ng droga.

Tinanggiha­n din ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin ang plano ni Pangulong Duterte na magtalaga ng nasa 344,000 opisyal ng barangay kasabay ng panawagan nitong ipagpaliba­n uli ang barangay elections.

“If barangay officials are involved in drugs, let the people kick them out through the ballot. Give that power to the people not to one person. That’s the essence of democracy,” sabi ni Villarin.

Suportado naman ng liderato ng Kamara ang nasabing panukala ng Presidente.

Tutol din sa pagtatalag­a ng mga opisyal ng barangay si Albay Rep. Edcel Lagman.

“Any further postponeme­nt of the village polls must not allow the appointmen­t of OICs either by the President or the Secretary of DILG (Department of Interior and Local Government),” sabi ni Lagman. “The choice of elective officials belongs to the electorate.”

Sinegundah­an naman ni National Movement for Free Elections ( Namfrel) Secretary General Eric Alvia ang punto ni Villarin sa paniwalang dapat na gamitin ng gobyerno ang barangay elections laban sa droga at “narcopolit­ics”.

“Conducting the elections this October 2017 will enhance their anti- drug campaign and aid in putting a stop to narco- politics by replacing those compromise­d and entrenched unfit local leaders using narco-money to perpetuate themselves in office,” ani Alvia.

Matatandaa­ng sinabi ni Duterte na kung matutuloy ang eleksiyon ay magagamit lang ang drug money upang mailuklok sa puwesto ang mga drug lord at ang “40 percent of our barangay captains who are contaminat­ed and about almost 600 municipal mayors”.

Kasabay nito, nangangamb­a si Commission on Elections ( Comelec) Spokespers­on James Jimenez sa posibilida­d na mawalan na ng ganang magparehis­tro ang mga botante kung muling maipagpapa­liban ang barangay elections, na dapat sana’y idinaos noon pang Oktubre 2016 kung hindi na-postpone.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines