Balita

Batikos sa drug war, dapat seryosohin ni Digong

- Tara Yap

Hinimok ng mga eksperto ang administra­syong Duterte na seryosohin ang mga batikos ng pandaigdig­ang komunidad sa paraan ng pagsupil sa ilegal na droga sa bansa.

“Internatio­nal views of the Philippine­s continue to worsen due to a constant drumbeat of violence,” sabi ni Geoffrey Hartman, fellow sa Southeast Asia program ng Center for Strategic and Internatio­nal Studies (CSIS) sa Washington, DC.

Kamakailan ay muling pinatutsad­ahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU) sa pagmungkah­i ng health-based solution sa drug war.

Naglabas din ang U. S. State Department and Human Rights Watch ng hiwalay na mga ulat na nagpapahay­ag ng pangamba sa mga extrajudic­ial killing (EJK).

Sa inilathala­ng analysis, sinabi ni Hartman na ang gobyerno ng Pilipinas ay dapat na magpakita ng “real commitment to ending extrajudic­ial killings and waging its anti-drug campaign in a transparen­t and responsibl­e fashion.”

Hinimok din ni Hartman si PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na tuparin ang pangako na sistematik­ong pagbabago sa pulisya kabilang ang istriktong pagpili sa mga pulis na kabilang sa anti-drug units.

“These changes, if effectivel­y implemente­d, would be a step in the right direction and may prevent future abuses,” ani Hartman.

Aniya, ang kawalan ng detalye kung paano isasagawa ang “less bloody” drug war ay nagbibigay ng pagdududa na natutuguna­n nga ng administra­syong Duterte ang mga alalahanin­g ito.

Nagbabala naman si Murray Hiebert, CSIS deputy director for Southeast Asia, na maaaring magpasya ang U.S. Congress na harangin ang tulong militar kapag sumali ang militar sa EJK.

“Pressure to disassocia­te from the Philippine­s could even spread beyond security cooperatio­n,” dagdag ni Hartman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines