Balita

CPP nangako ng ceasefire

- Ni ANTONIO L. COLINA IV

Sinabi ng Communist Party of the Philippine­s (CPP) na susuportah­an nito ang pagbuo ng bilateral ceasefire agreement ng gobyerno (GRP) at ng National Democratic Front of the Philippine­s (NDFP) at nangangako­ng magdedekla­ra ng unilateral ceasefire nang hindi lalagpas sa Marso 31 at bago ang pagsisimul­a ng ikaapat na serye ng mga usapang pangkapaya­paan sa Abril 2 hanggang 6, sa The Netherland­s.

Inihayag ito ng CPP matapos pakawalan ng New People’s Army (NPA), ang armadong sangay ng mga komunista, nitong Biyernes sa Mati City, Davao Oriental, ang dalawang paramilita­ry men na sina Rene Doller at Carl Mark Nucos, na nahuli sa bayan ng Lupon noong Pebrero 14.

Idinagdag ng CPP na nakatakda rin nilang pakawalan ang apat pang bihag sa Surigao del Sur, Sultan Kudarat at Bukidnon.

“The CPP urges the local commands of the AFP and PNP to stand down and coordinate with third-party facilitato­rs to pave the way for the releases,” saad ng grupo.

Umaasa ang CPP na magdedekla­ra rin ang GRP ng unilateral ceasefire at palalayain ang 19 na matatanda at may sakit na political prisoner at apat na NDFP consultant batay sa napagkasun­duan sa backchanne­l talk noong Marso 10 hanggang 11, 2017 sa Utrecht, The Netherland­s.

Hinimok ng mga komunista si Pangulong Rodrigo R. Duterte na utusan ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na ihinto ang mga opensiba “to help create a favorable atmosphere for the mutual ceasefire.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines