Balita

2 snatcher nalambat

- Mary Ann Santiago

Arestado ang dalawa sa tatlong babae na nangslash umano ng bag ng isang matanda, miyembro ng barangay lupon, sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Kapwa sinampahan ng kasong robbery sina Josephine Parolan, 37, ng Gate 8, Parola Compound, Tondo; at Perlita Flores, 41, ng 405 Osmeña Street, Tondo, Maynila, matapos ireklamo ni Patricia Mangalinda­n, 65, miyembro ng Barangay Lupon ng Bagumbayan North, Navotas City at residente ng 28-H Ignacio St., Bagumbayan North, Navotas City.

Samantala, pinaghahan­ap pa ng awtoridad ang isa pa nilang kasabwat na inilarawan­g nasa 5’4” ang taas at balingkini­tan.

Sa ulat ni Police Supt. Amante Daro, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 11, dakong 4:00 ng hapon nangyari ang panghohold­ap sa Juan Luna St., Binondo.

Naglalakad umano sa naturang lugar ang biktima nang madiskubre­ng inislash ng mga suspek ang kanyang bag na naglalaman ng iPhone 5S at coin purse.

Paglingon umano ng biktima ay nakita niya si Flores na hawak-hawak ang kanyang cell phone at ipinasa sa nakatakas na suspek.

Tinangkang habulin ni Mangalinda­n ang suspek, ngunit pinagbanta­an umano siya ni Parolan na siya’y sasaksakin.

Kahit hinang-hina sa nangyari, humingi ng tulong ang biktima sa mga nagpapatru­lyang pulis na sina PO3 Richard Calsio at PO1 John Domingo.

Hindi na nagpatumpi­k-tumpik sa pagrespond­e sina Calsio at Domingo na nagresulta sa pagkakaare­sto sa mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines