Balita

Drug suspect tigok sa panghohold­ap

- Jel Santos

Duguang bumulagta ang isang drug suspect na sinasabing nangholdap sa isang babae matapos umanong manlaban sa awtoridad sa North Tala, Caloocan, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Chito G. Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, ang suspek sa alyas na “Tisoy.” Habang ang biktima ay kinilalang si Analyn Galvan, 22, ng Barangay 188, North Tala, Caloocan.

Ayon kay Galvan, dakong 6:45 ng gabi ay naglalakad siya sa kahabaan ng Sta. Rita Street, Bgy. 188, Caloocan nang lapitan siya at tutukan ng baril ni Tisoy.

Base sa ulat, pilit umanong kinukuha ng suspek ang bag ni Galvan. Sinubukan umanong lumaban ng biktima, ngunit mas malakas umano sa kanya ang suspek. Kinuha rin umano ng suspek, ayon sa biktima, ang gintong kuwintas ni Galvan.

Agad isinumbong ni Galvan sa mga nagpapatru­lyang pulis ang ginawa sa kanya ni Tisoy.

Hindi nag-aksaya ng oras ang mga pulis at sinundan si Tisoy na tumakbo patakas.

Nang mapansing sinusundan siya ng awtoridad, bumunot umano ng baril si Tisoy saka pinaputuka­n ang mga pulis ngunit hindi tinamaan.

Dahil sa panganib na naramdaman, nagdesisyo­n ang mga pulis na gumanti ng putok na naging sanhi ng pagkamatay ng suspek.

Hindi lamang mga gamit ni Galvan ang narekober kundi maging drug parapherna­lia, at isang plastic sachet ng shabu gayundin ang caliber .38 revolver ni Tisoy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines