Balita

Mt. Apo muling bubuksan sa publiko

- Antonio L. Colina IV

DAVAO CITY – Tumagal lamang ng 11 buwan at 23 araw ang “indefinite closure” ng Mount Apo makaraang magpasa ng resolusyon ang Mt. Apo Natural ParkProtec­ted Area Management Board (MANP-PANB) na bumabawi sa pagpapasar­a sa lugar, at magiging epektibo ito sa Abril 12, 2017.

Gayunman, kinukuwest­iyon ng ilang environmen­talist ang anila’y masyadong maagang pagbubukas muli ng Mt. Apo sa publiko.

Sinabi ni Chinkie Pelino-Golle, acting executive director ng Interface Developmen­t Interventi­ons (IDIS), na tinututula­n nila ang maagang pagbubukas muli ng Mt. Apo para sa mga mountainee­r, dahil nangangail­angan pa umano ng karagdagan­g panahon ng rehabilita­syon ang pinakamata­as na bundok sa bansa.

“I think the tourism income is big but we have to ensure the rehabilita­tion and protection of the Mt Apo. Unsaon man ng income kung masamot kaguba ang protected area (Ano’ng gagawin natin sa kita natin kung mas masisira pa ang protected area na ito?),” ani Golle.

Marso 31, 2016 nang magpasa ng resolusyon ang MANP-PANB upang isara ang lahat ng anim na trail sa Kidapawan, Makilala, at Magpet sa North Cotabato; at sa Digos, Sta. Cruz, at Bansalan sa Davao del Sur, makaraang tatlong- linggong masunog ng buwang iyon ang malaking bahagi ng bundok na nagsimula sa tuktok nito, at kasamang naabo ang ilang siglo nang mga puno.

“Puwede siya i-close for rehab and research and then ‘pag makarecove­r na we'll see after (minimum) two or three years kung puwede siya i-open, pero dapat limited na lang ang pasudlon (hikers),” sabi ni Golle.

Sinabi naman ni Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR)-Region 11 Director Ruth Tawantawan na ang mga katutubong Lumad ang nagpasyang muling buksan sa turista ang Mt. Apo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines