Balita

HUWAG SALAULAIN ANG ‘RULE OF LAW’

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa mga mataong lugar, partikular na sa mga terminal ng FX, UV, pedicab, at tricycle, ang magkakasun­od na paglusob at pag- okupa ng mga miyembro ng maka-kaliwang grupo sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan sa Pandi, San Jose del Monte, at Bustos sa Bulacan.

Iba-ibang anggulo ang naririnig ko sa pagtatalo’t sagutan ng mga pasahero’t drayber habang naghihinta­y na mapuno ang kanilang sinasakyan o pinapasada – at ang namamayani­ng sentimiyen­to: masyado na raw nasasalaul­a ang “Rule of Law” sa ating bansa at ang palagi umanong agrabiyado at madalas na natatalo ay ang mga nilang may prinsipyo at sumusunod sa batas.

Wika ng isang pasahero na nanonood ng balita sa portable TV sa loob ng UV na aming sinasakyan: “Ang tagal ko nang nagtatraba­ho sa gobyerno pero hanggang ngayon umuupa pa rin ako dahil ‘di pa kaya ng suweldo ko ang kumuha ng pabahay…kakainggit ang mga ito, walang kahirap-hirap, sumama lang sa rally ng isang araw, may lote at bahay na agad.”

Binulatlat naman isang pasahero ang kanyang bitbit na diyaryo at ipinangala­ndakan sa iba pang pasahero ang kalahating pahinang advertisem­ent ng National Housing Authority (NHA) na may pamagat na ‘NHA goes legal and adherence to the Rule of Law’, sabay tanong sa ibang pasahero: “Kailangan pa ba silang gastusan ng daan libong advertisem­ent na tulad nito, para lang pakiusapan at sabihang mali at ilegal ang kanilang ginagawa, kaya dapat lamang na bakantihin na nila ang mga inokupa nilang bahay?”

Ang tinutukoy ng pasaherong ito ay ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) na siyang nagpasimuo upang okupahin ng kanilang mga miyembro ang 5,262 pabahay ng pamahalaan sa 7 project site sa Bulacan noong Marso 8, 2017. Ang naturang proyekto ay nakatakda nang ipamahagi ngayong summer vacation sa mga aktibong pulis, militar, guwardiya at bumbero na nag-apply sa NHA para magkaroon ng sarili nilang tahanan. Sadya raw na itinapat ang pamamahagi nito ngayong bakasyon sa eskuwela, upang hindi ma-displace ang mga bata sa pagpasok nila sa paaralan.

Katwiran ng mga KADAMAY, matagal na raw na nakatiwang­wang ang mga pabahay na ito at para mapakinaba­ngan ng mahihirap nilang miyembro, napagdesis­yunan nilang okupahin na ang pitong project site sa Bulacan ng NHA. Mapayapa ang kanilang pag-take over at walang...

nasaktan. Nitong nakaraang linggo ay binigyan ng pitong araw na “ultimatum” ang grupong KADAMAY na lisanin na ang inokupa nilang mga pabahay at ito ay magtatapos ngayong Lunes. Ayon sa NHA, may 324 na miyembro ng KADAMAY ang pormal na nag-apply para makakuha ng bahay sa kanila at ang iba sa mga ito ay patuloy pa ring kinakausap at pinapaliwa­nagan sa legal na pamamaraan upang maiwasang magkasakit­an.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@journalist. com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines