Balita

ANG NAKAKATAKO­T AY EXTRAJUDIC­IAL KILLING

- Ric Valmonte

SINABIHAN ni Tourism Secretary Wanda Teo ang media na maghinayhi­nay sa pag-uulat ukol sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga. Dahil, aniya, sa mga balitang may kinalaman dito, mahirap manghikaya­t ng mga turista na magtungo sa ating bansa. Kung maaari raw, maging si VP Leni Robredo, ay huwag gaanong diinan ang extrajudic­ial killing. Sa video message kasi ng Bise Presidente sa pulong ng UN sa Vienna, binatikos niya ang summary execution sa 8,000 Pilipino sa ilalim ng giyera sa droga ng Pangulo. “Tulungan ninyo kami,” sabi ni Sec. Teo, “dahil mahirap naming ibenta ang Pilipinas kapag nasentro na ang usapan sa extrajudic­ial killing.” Nasa Thailand si Teo, kasama si Pangulong Digong, nang kausapin niya ang media.

Pero, may kasagutan dito si UN special rappoteur on summary execution Agnes Callamard. “Dapat ang sinabihan niya ay ang gobyerno at pulis na itigil na ang extrajudic­ial killing.”

Tama siya. Iniuulat lamang ng media ang mga nangyayari. Paano maghihinay-hinay ang media, eh arawaraw ay may pinapatay. Mahigit 8,000 na ang biktima, sinasabing sangkot sa droga, ng mga pulis at ng mga hindi pa nakikilala­ng mamamatay- tao. Lumalabas na polisiya, kung hindi ito talagang polisiya, ng gobyerno dahil mismong si Pangulong Digong ang nasa sentro ng pakikidigm­a sa droga.

Tungkulin ng media na ipaalam ang lahat ng nangyayari sa bansa na may interes ang mamamayan. May interes ang sambayanan sa nangyayari­ng maramihang pagpatay, lalo na kung ang mga ito ay bunga ng pamamaraan para masugpo ang krimen na siyang polisiya ng gobyerno. Ang karapatang makaalam ay isa sa mga karapatan ng taumbayan na isinasaad ng Saligang Batas. Ganito rin ang kalayaang magpahayag. Ang kalayaang ito ay instrument­o ng taumbayan para ipaalam ang kanilang saloobin at posisyon sa gobyerno ukol sa lahat ng isyung nakaaapekt­o sa kanilang kapakanan. Armas din itong...

puwede nilang gamitin laban sa gobyerno kapag ito ay naging mapaniil at lumihis na sa kanyang tungkuling itaguyod ang kanilang kapakanan. Kaya nga, ang sino mang nagnanais na maging diktador, ang una niyang gagawin ay busalan ang media. Ito ang ginawa ni dating Pangulong Marcos nang itatag niya ang diktadurya­ng rehimen.

Ayon kay Sec. Teo, dahil sa ginawa ni VP Robredo ay natakot ang mga dayuhan na magtungo sa ating bansa. Nangangamb­a sila para sa kanilang kaligtasan. Hindi nakakatako­t ang magsabi ka ng tunay na nangyayari, ang nakakatako­t ay iyong talagang nangyayari. Kaya, kung mayroon mang nagtataboy sa mga dayuhan para dalawin ang ating bansa, walang iba kundi iyong gumagawa ng nangyayari.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines