Balita

MABUTING BALITA

Is 65:17-21 ● Slm 30 ● Jn 4:43-54

-

Umalis si Jesus pa- Galilea… Pumunta siyang muli sa Kana ng Galilea, doon niya ginawang alak ang tubig. At nangyari, na ang anak na lalaki ng isang opisyal ng hari ay maysakit sa Capernaum. Nang marinig niya na dumating sa Galilea si Jesus mula sa Judea, pinuntahan niya siya at ipinakiusa­p na lumusong siya at pagalingin ang kanyang anak na nasa bingit ng kamatayan.

Kaya sinabi ni Jesus tungkol sa kanya: “Hangga’t hindi kayo nakakakita ng mga tanda at mga kababalagh­an, hindi kayo maniniwala.” Sinabi naman sa kanya ng opisyal: “Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang anak ko.” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Umuwi ka na. Buháy ang anak mo.”

PAGSASADIW­A:

Kaya sinabi ni Jesus tungkol sa kanya: “Hangga’t hindi kayo nakakakita ng mga tanda at mga kababalagh­an, hindi kayo maniniwala.”— Bakit hanggang ngayon ay meron pa ring mga tao na bago maniwala ay kailangan munang makakita ng himala mula sa Diyos? Ang mga Pariseo at eskriba ay hindi pa rin naniwala bagamat lantaran na ang mga kabutihang dulot ng pagdating ni Jesus. Ano pa ba ang hinahanap nila? At ano pa ba ang kailangan para sila ay tunay na manalig sa sugo ng Diyos na si Jesus?

Ang aral na nais iparating ni Jesus sa kanila at sa atin ay ang pagiging bukás sa kalooban ng Diyos. Kahit na gaano karami ang mga tanda at mga himala kung sarado naman ang puso at isipan natin, wala pa ring mangyayari­ng paglago sa ating buhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines