Balita

Anniversar­y nina Ibyang at Art, kasabay ng kasal sa serye ngayon

- --Reggee Bonoan

SINADYA kaya ng produksiyo­n ng The Greatest

Love o nagkataon lang na ngayong araw ipapalabas ang pinakahihi­ntay na kasalan nina Peter ( Nonie Buencamino ) at Gloria ( Sylvia

Sanchez ) sa programa habang nagdiriwan­g naman sina Ibyang at Art

Atayde ng kanilang 13th wedding anniversar­y?

Yes, Bossing DMB, anibersary­o ng kasal nina Sylvia at Papa Art ngayong araw pero walang selebrasyo­n dahil may taping ang aktres na nalaman namin nang huli kaming magkausap. Paakyat ng Baguio City ang production ng The Greatest Love para kunan ang honeymoon naman nina Peter at Gloria.

“Ironic, ‘no?” sabi nga ni Ibyang, “anibersary­o namin ng asawa ko pero kasal namin ni Peter ang mapapanood.”

Bakit 13 years pa lang silang kasal gayong 27 na ang panganay nilang si Arjo Atayde?

“‘Di kami nagpakasal kaagad, eh, ha-ha-ha,” natawang sagot ng aktres. “Mahabang kuwento, ‘pag may oras na lang, kuwento ko sa ‘yo.”

Parang kuwento sa pelikula o teleserye ang buhay ng aktres na puwedeng i-feature sa Maalaala Mo

Kaya. Kamakailan lang namin ito nalaman, nang i-post niya sa kanyang social media account.

“Twenty-seven (27) years ago, dito ako sa lugar na to, the Nielson Tower Makati, dinala ako ni Art para ipakilala niya sa pamilya n’ya wala pang isang taon no’n si Arjo at wala pang Ria, Gela, at Xavi at kagabi, di ko inasahan na doon ang reception ng kasal ng pinsan naming si @peachatayd­e at @ aabuendia #apearfecta­ffair.

Wow, bumalik lahat ng mga nangyari sa akin no’ng gabing ‘yon pati ‘yong kuwento ng steak na ‘yan, ha-ha-ha.

“‘Katuwa! Nakabalik kaming mag asawa sa kung san n’ya ako pinakilala sa pamilya n’ya, kasama ng apat naming anak, wow just wow, sobrang saya ko kagabi na inaalala ang gabing ‘yon 27 years ago. Twenty-seven years and going strong! Wow! #thankuLORD sa napakagand­ang blessing na to. # mygreatest­loves# myeverythi­ng #mylife #family #happiness #blessed #priceless #grateful#treasures.”

Makulay talaga ang buhay ni Ibyang.

 ??  ?? Sylvia at Nonie
Sylvia at Nonie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines