Balita

Malayo ang mararating ni Yen --Piolo

- Ni NORA CALDERON

ACTOR- PRODUCER si Piolo Pascual ng latest movie niya ngayon, ang Northern Lights: A

Journey to Love, kasosyo ng kanyang Spring Films ang Regal Entertainm­ent at Star Cinema. Katambal ni Piolo for the first time si Yen Santos.

Hindi siya nagdalawan­g-isip na tanggapin nang sabihin ni Direk

Dondon Santos na ang young star ang makakatamb­al niya.

“Parang nasubaybay­an ko si Yen nang nagsisimul­a pa lamang siya, napanood ko na siya noon sa teleserye niya sa ABS-CBN at na-meet ko siya nang personal sa Magic Ball ng Star Magic,” kuwento ni Piolo.

“Sabi ko, iba ang beauty niya, bihira ang artista na natural ang ganda at na’ kay Yen ‘yon, kaya I didn’t think twice nang malaman kong siya ang makakatamb­al ko. Matapos kaming magsama for two weeks ng shooting sa New Zealand, and dito sa atin, nakita ko kung paano siya umarte, kaya I know, she’ll go a long way.”

Marami ang nagsasabi na magugustuh­an ng moviegoers ang story ng Northern Lights: A

Journey to Love na tumatalaka­y sa relasyon ng mag-amang nagkalayo, kung paano sila muling magkakasam­a at kung paano tatanggapi­n ng bata ( Raikko Mateo) ang kanyang ama.

“Matagal ko nang gustong makagawa ng ganitong klaseng pelikula kaya nagpasalam­at ako kina Mother Lily at Ms. Roselle

Monteverde na sa akin nila ibinigay ang pelikulang ito, plus si Direk Dondon Santos pa ang gumawa.

“Kaya naman gusto ko sanang malaman ng lahat ang bago naming pelikula. Kung p’wede lang magpromote ako sa lahat ng channels, sa lahat ng schools para panoorin nila ang movie namin, gagawin ko.

“Alam kong malaking reward po para sa producers at sa lahat ng involved sa production kapag kumita ang pelikula namin. Business is business, kahit pa sabihin kong kapag gumagawa ako ng isang project, hindi ko iniisip ang return, basta gagawin ko ang lahat, gagawin ko ang nararapat. Pero iba pa rin kung panonoorin ng mga tao ang mga pinaghirap­an mo at magugustuh­an naman nila, at kikita sa box-office.”

Sa Wednesday, March 29 na ang showing ng Northern Lights: A Journey To Love in cinemas nationwide. Kasama nina Piolo, Yen at Raikko sina Jerald Napoles, Tirso Cruz III, Sandy Andolong, Maricar Reyes at Joel Torre.

 ??  ?? Yen
Yen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines