Balita

Sanya Lopez, no boyfriend since birth

- --Nitz Miralles

GUSTO namin ang pagiging totoo niSanya Lopez na mahirap silang magkainlab­an ni Rocco Nacino na kapareha niya sa Encantadia dahil may idini-date itong iba. Wala rin daw ligawang nangyayari sa kanila kaya magkaibiga­n lang talaga sila.

Pero sweet sila sa isa’t isa, kaya inakala ng kanilang fans na may something na sa kanila.

Kay Sanya namin nalaman noong nagdi-date sina Rocco at Arianne Bautista. Pero hindi binanggit ni Sanya ang name ni Arianne at ang sabi lang niya noon, alam niyang may idini-date ang ka-love team niya.

Kung g iba ‘ yuny at para ma-promote ang tambalan nila sa Encantadia at para mas marami pa ang kiligin at dumami ang shippers ng DanAquil love team, magpapa-cute ng sagot si Sanya at si Rocco na rin.

In fairness sa aktor, hindi rin siya nagbibigay ng false hope sa fans nila ni Sanya.

Wala sanang problema kay Sanya dahil wala siyang boyfriend. Sa katunayan, hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Kaya proud member daw siya ng No Boyfriend Since Birth (NBSB).

Puwede silang magkainlab­an ni Rocco, pero hindi pa umabot sa romantic ang involvemen­t nila, kaya huwag pilitin.

“Wala pa akong boyfriend, 20 years old na ako at wala ring nanliligaw sa akin. Nagtataka ang mommy at lolo ko kung bakit. Akala tuloy ng mommy ko, tomboy ako. Ang paniwala ko naman, hindi pa handa ang ‘tinatadhan­a sa akin,” sabi ni Sanya.

Kaya habang wala pa si Mr. Right, sa trabaho muna ang focus ni Sanya. Big break sa kanya ang Encantadia,En siya ang napili para sa role ni Danaya na ngayon, sitting queen dahil nawala si Amihan ( Kylie Padilla dahil nabuntis nga).

“Natutuwa naman ako dahil walang nambash sa akin nang mapili akong magreyna sa Lireo. Hindi gaya noong i-announce na ako ang gaganap na Danaya, sobra ang pamba-bash sa akin at naintindih­an ko ang fans ng Encanta Encantadia sa reaction nila. Mahal nila ang fantaserye at gusto lang nila ang the best ang gaganap sa favorite characters nila. Nang maging reyna ako, walang nam-bash sa akin, kaya masaya ako at nagpapasal­amat sa fans,” wika ni Sanya.

Nagkaroon ng kissing scene sina Sanya at Rocco sa Encantadia,Enc na first kiss at first screen kiss ni Sanya, kaya hindi naiwasang kabahan.

“Halong kaba at takot ang naramdaman ko nang kunan ang eksena. Naiyak pa nga ako sa sobrang nerbiyos, pero okay naman ang eksena. Smack kiss lang, pero matagal. Naglapat ang lips namin ni Rocco, pero walang movement at take one lang kinunan. Pasalamat naman ako sa suporta ni Rocco at hinug niya ako after kunan ang kissing scene namin,” pagtatapos ng pretty actress.

 ??  ?? Sanya
Sanya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines