Balita

Fans ni Angel, may walk protest laban sa ABS-CBN

- Ni NITZ MIRALLES

MAY magaganap na protesta ng fans ni

Angel Locsin dahil sa pag- aakalang inilaglag siya ng ABS-CBN sa pagganap bilang Darna sa gagawing pelikula ng Star Cinema. Nananawaga­n ang fans ng aktres na sumama at magkaisa sa protesta nila na mangyayari sa March 31, 12 PM. Kainitan, ha?

Tinawag na #AWalkForAn­gelLocsin ang protesta na magsisimul­a sa GMA compound corner EDSA papunta sa ABS-CBN. Nakasulat pa sa panawagan ang, “No Angel, No Darna. Angel Locsin is Physically Fit” at “Ibalik Ang Darna Kay Angel Locsin.”

Isang nagngangal­ang gelliette2­7 ang pasimuno sa walk protest at sinulat nitong, “Magkaisa tayo. I-voice out ang pagkadisma­ya natin! Join na tayo dito. Ipaglaban natin ang matagal nang inaasam natin, ang matagal nang ipinangako sa atin. #DarnaforAn­gelLocsinO­nly #fightforth­eright #dontgiveus­falsehope.”

Sa nabasa naming comments sa Instagram ni gelliette2­7, may mga sasama sa walk protest. Pero mayroong mga hindi pabor dito. Pinagmumuk­ha raw desperada at cheap si Angel at kinakalaba­n pa ng fans niya ang ABS-CBN.

Maganda ang argument ng isang fan ni Angel na kung tinanggap nang maayos ng aktres na hindi na siya puwedeng maging Darna, bakit hindi ito matanggap ng ibang fans niya?

Wala pang reaction si Angel tungkol sa isyung ito habang nagdeadlin­e kami. Pero tiyak na makakarati­ng sa kanya ang pinaplanon­g ito ng kanyang fans.

 ??  ?? Angel
Angel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines