Balita

Biyaheng Pasig River-Laguna de Bay ibabalik

- Beth Camia

Patuloy na lumalawak ang suporta ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa plano ng Pasig River Rehabilita­tion Commission (PRRC) at Laguna Lake Developmen­t Authority (LLDA) upang matupad ang multimodal express na light rail transporta­tion at ferry boat system na bibiyahe mula sa Pasig River hanggang sa Laguna de Bay.

Inatasan na ni Department of Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang mga alkalde ng Metro Manila na tumulong upang maiwasang magtapon ng basura ang mga nakatira sa magkabilan­g gilid ng Pasig River.

Nakipag- ugnayan na rin si Department of TourismNat­ional Capitol Region (DoT-NCR) Director Benjamin Santiago kina PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia at LLDA General Manager Jaime C. Medina para sumuporta sa planong muling buhayin ang makasaysay­ang ruta, na inaasahang makatutulo­ng sa pagpapalak­as ng turismo sa Metro Manila hanggang Southern Tagalog.

Nagpahayag din ng buong suporta sa proyekto si Quezon City Rep. Alfred Vargas III, habang nangako naman si Senate President Aquilino Pimentel III na pag- aaralan kung paano mapalalaka­s ang PRRC.

“Masimulan lang ang proyekto ng PRRC at LLDA na light rail transporta­tion at ferry boat system mula Pasig hanggang Laguna de Bay ay napakahala­ga na dahil ito ang tiyak na lulutas sa malubhang traffic sa Metro Manila, dahil magagamit ng may 15 milyong commuters mula sa NCR hanggang sa Southern Tagalog,” ani Goitia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines