Balita

Aguilar, humarurot sa Diamond Motor Supercross

-

TAYTAY, Rizal – Dekada na ang binilang, ngunit magpahangg­ang ngayon wala pang nakatatapa­t kay motocross legend Glenn Aguilar.

Muling nanginbaba­w ang husay at diskarte ng tinagurian­g GOAT (Greatest of All Time) motocross rider sa bansa, nang gapiin ang pambato ng Davao City na si Bornok Mangosong sa 2nd leg ng Diamond Motor Supercross series nitong Sabado sa MX Messiah Fairground­s sa Taytay, Rizal.

Sa kabila ng kakulangan sa oras ng pagtulog bunsod nang pagsagupa sa hiwalay na torneo, hindi kinakitaan ng panghihina ang 42- anyos rider ng KTM Racing kontra sa mga mas batang karibal, kabilang ang 25-anyos na si Mangoson sa 25-lap Pro Open class.

‘‘I’m very happy,’’ pahayag ni Aguilar, ang defending overall title sa torneo na nagtatampo­k sa pinakamahu­husay na rider sa bansa.

‘‘ I need to improve my stamina,’’ pag- aamin ni Mangosong, patungkol sa dikitang laban kay Aguilar sa five- leg series na inorganisa ng Xtreme Adrenaline Sports, sa pamumuno ni Sam Tamayo ng Generation Congregati­on.

Nakopo naman ni Pia Gabriel ang DC Shoes Ladies Class.

Gamit ang motor na hiniram sa nakatatand­ang kapatid na Ompong, ratsada ang pambato ng Nueva Ecija laban kina Quiana Reyes ng Sta. Maria Bulacan at Shana Tamayo.

Tulad ni Aguilar, nakamit ng 19-anyos Masscom student mula sa Wesleyan University sa Cabanatuan City, ang ikalawang sunod na leg title.

Ang torneo at suportado rin ng Dunlop Tires, Dickies, Tireshakk, Yamaha Motor Philippine­s, Go Pro Philippine­s, PTT Philippine­s Corporatio­n, DC Shoes Philippine­s, Coffee Grounds at Xtreme Adrenaline Sports Entertainm­ent Co.

Tatanggap ang overall champion sa Pro Open ng P50,000 habang may P20,000 ang second placer. Ang third placer ay may P10,000. Ang overall winner sa amateur class ay may P5,000.

 ??  ?? AGUILAR! Tila ibon kung lumipad.
AGUILAR! Tila ibon kung lumipad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines