Balita

PAGBABAGO PA RIN

Sigaw ng libu-libo sa SONA protests

- Nina JUN FABON at CHITO CHAVEZ May ulat nina Liezle Basa Iñigo at Jel Santos

Hindi man binagyo, inulan naman ng protesta ng iba’t ibang militanten­g grupo ang ikalawang State- of- the- Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, upang igiit ang anila’y mga napakong pangako ng Pangulo.

Sabay- sabay na nagmartsa sa Commonweal­th Avenue ang mga kasapi ng Bukluran ng Manggagawa­ng Pilipino (BMP), Sanlakas, at Partido ng Lakas ng Masa (PLM) patungo sa mga tanggapan ng Bureau of Internal Revenue, upang tuligsain ang panukalang Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion Program ( TRAIN); ng National Housing Authority ( NHA) para igiit ang disente, abot-kaya, at ligtas na pabahay; at ng Department of Natural Resources, upang manawagang itigil ang lahat ng proyektong may kaugnayan sa coal.

Giit ng mga militante, pagbabago pa rin ang kanilang isinisigaw dahil wala pa umanong tinupad si Pangulong Duterte sa mga ipinangako nito, kabilang na ang pagbibigay- tuldok sa contractua­lization.

‘DI NA SUPPORT RALLY

Samantala, mapayapang dumating ang Bayan Muna, sa pangunguna ng secretary general nitong si Renato Reyes, sa footbridge ng IBP Road, may 250 metro ang layo sa Batasang Pambansa Complex.

Kung support rally ang idinaos ng Bayan Muna sa unang SONA ni Duterte noong nakaraang taon, protesta na ang hatid nila ngayon sa Pangulo, ayon kay Reyes.

“Marami hong problemang kinakahara­p ang bansa natin kaya protesta ang ating ihaharap ngayon sa Pangulo, at nais nating talakayin ‘yung totoong kalagayan ng bansa na malamang ay hindi matatalaka­y sa loob ng Kongreso,” ani Reyes.

Aniya, igigiit din ng Bayan Muna sa Pangulo ang pagpapatul­oy ng peace talks sa mga rebelde, maayos na reporma sa lupa, libreng edukasyon at pabahay, at iba pa.

Kabilang sa libu- libong raliyista ang nasa 200 kasapi ng Bayan-Pangasinan na dumayo pa sa Quezon City para igiit ang tunay na reporma sa lupa at pagpapatig­il sa conversion ng mga taniman.

Sinabi ni Eco Dangla, tagapagsal­ita ng Bayan-Pangasinan, na labis din nilang tinututula­n ang pinalawig na batas militar sa Mindanao, at ang anila’y kabikabila­ng human rights violations, na mahihirap lamang ang nabibiktim­a.

QCPD: 11,000 ANG DUMAGSA

Kumpirmado­ng nasa 6,300 pulis, na walang baril at armado lamang ng baston, ang nagbantay sa SONA kahapon makaraang tayain ng National Capital Region Police Office na inaasahan sa 15,000- 20,000 ang dadagsang raliyista. Gayunman, sinabi ng mga militanten­g grupo na aabot ng 30,000 ang kabuuang bilang nila.

Pero ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nasa 11,000 ang raliyistan­g dumagsa kahapon malapit sa Batasan Complex.

Nakibahagi rin sa malawakang kilos-protesta laban sa SONA ang Kilusang Mayo Uno, Anakbayan, Kadamay, Migrante Internatio­nal, Anakpawis, Gabriela, PinagIsang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), at iba pa.

SILENT PROTEST

Nasa 1,000 pares ng sapatos, sandals at tsinelas naman ang inihilera ng grupong Block Marcos Movement sa Commonweal­th Avenue kahapon ng umaga bilang simbolo ng mga nasawi sa drug war ng gobyerno.

2-ORAS NA SONA

Sa kanyang SONA, sinabi ng Pangulo na ipagpapatu­loy niya ang kontrobers­iyal niyang drug war, ipinagtang­gol ang pagdedekla­ra niya ng martial law sa Mindanao, at nanawagan sa Kongreso na ipasa ang National Land Use Act upang maprotekta­han ang kalikasan, kasabay ng bantang dadagdagan niya ang buwis ng mga kumpanya ng minahan kung hindi isasaayos ang mga komunidad na napinsala nila.

 ?? CAMILLE ANTE ?? SILENT PROTEST Napapasuly­ap ang mga motorista at pedestrian sa mga pares ng sapatos na inilatag ng mga raliyista sa Commonweal­th Avenue sa Quezon City ilang oras bago ang State-of-the-Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Complex...
CAMILLE ANTE SILENT PROTEST Napapasuly­ap ang mga motorista at pedestrian sa mga pares ng sapatos na inilatag ng mga raliyista sa Commonweal­th Avenue sa Quezon City ilang oras bago ang State-of-the-Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Complex...
 ??  ?? Pangulong Rodrigo Duterte
Pangulong Rodrigo Duterte
 ?? JANSEN ROMERO ?? MABUHAY KA, TATAY DIGONG! Nagsama-sama ang mga tagasuport­a ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Batasan Complex sa Quezon City sa kasagsagan ng ikalawa niyang State-of-the-Nation Address kahapon.
JANSEN ROMERO MABUHAY KA, TATAY DIGONG! Nagsama-sama ang mga tagasuport­a ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Batasan Complex sa Quezon City sa kasagsagan ng ikalawa niyang State-of-the-Nation Address kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines