Balita

Van wasak sa bus: 5 patay, 15 sugatan

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng driver at apat na pasahero ng isang Toyota Hi-Ace van nang makabangga­an ang kasalubong na pampasaher­ong Santrans Bus na ikinasugat ng 15 iba pa, sa highway ng Barangay Aguso sa Tarlac City, nitong Linggo ng madaling araw.

Napinsala rin sa aksidente ang bahay ni Joselito Jose, nasa hustong gulang, gayundin ang Toyota Avanza (VR-1427) ng huli, at isang tricycle (RV-9177) na nakaparada sa lugar.

Batay sa isinumiten­g ulat kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, nasawi sa aksidente sina Jemor Bueno, 58, driver ng van (CWV418); Teresita Basadre; Lolita Marzan; Silvestre Basadre; at Andrea Duran, pawang nasa hustong gulang at tagaBgy. Leones West, Tuba, La Union.

Grabe namang nasugatan sina Severino Fortez, 59; Maximo Dolen, 68; Dolores Mapanao, 63; Rolando Duran, 58; Ofelia Lopido, 52; Pricilla Sales, 69; Edmar Laron, 8; Benito Sales, 63; at Gerald Basadre, 31, pawang residente ng nasabing lugar, na isinugod sa Tarlac Provincial Hospital.

Sa panig ng bus, nasugatan din ang mga pasaherong sina Joey Lastimay, 21, ng Umingan, Pangasinan; Boyet Alicunan, 37, ng San Jose Del Monte, Bulacan; Jopet Kilat, 18, ng Paniqui, Tarlac; Mary Ann De Guzman, 31; Juanita Mamaril, 56, ng San Quintin, Pangasinan; at Rachel Joy De Vera, 20, ng Gerona, Tarlac, na isinugod din sa nasabing ospital.

Dakong 4: 35 ng umaga at patungong norte ang bus nang aksidenten­g makabangga­an ang kasalubong na van, na bumalandra sa bahay ni Jose at sa dalawang sasakyan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines