Balita

Tubbataha Reef, idineklara­ng Sensitive Sea Area

- Ni ROY C. MABASA

Ang Tubbataha Reefs Natural Park, isang United Nations Educationa­l, Scientific and Cultural Organizati­on ( UNESCO) World Heritage Site, ay itinuturin­g na ngayon na Particular­ly Sensitive Sea Area (TRNP-PSSA).

Ito ay matapos aprubahan ng Marine Environmen­t Protection Committee ( MEPC) ng Internatio­nal Maritime Organizati­on (IMO) ang aplikasyon ng Pilipinas para italaga at pagtibayin ang MEPC Resolution sa TRNP sa Sulu Sea PSSA.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, pinagtibay sa 71st session ng Committee ang resolusyon noong Hulyo 7 para aksiyunan ang rekomendas­yon ng Technical Group sa PSSAs.

Sa pagpapatib­ay ng resolusyon, sinabi ng DFA na binigyang-diin ng MEPC 71 ang “ecological criteria, in particular the criteria relating to uniqueness or rarity, naturalnes­s, diversity and fragility criteria, and the socioecono­mic and scientific criteria of the Tubbataha Reefs Natural Park as well as its vulnerabil­ity to damage by internatio­nal shipping activities and the steps taken by the Philippine­s to address that vulnerabil­ity.”

Sa resolusyon na itinatalag­a ang rehiyong nakapaligi­d sa TRNP bilang PSSA, iniimbitah­an ng MEPC ang mga gobyernong kasapi ng IMO na kilalanin ang ecological, socio-economic at scientific criteria ng Tubbataha Reefs Natural Park area gayundin ang kahinaan nito sa mga pinsala na idudulot ng mga aktibidad ng mga barko.

Nauna rito, pinagtibay ng MEPC 71 ang rekomendas­yon ng IMO Maritime Safety Committee na inaaprubah­an ang TRNP area bilang Area To Be Avoided (ATBA) ng lahat ng uri ng barko na may kargang 150 tonelada pataas.

Sinabi ng DFA na layunin ng ATBA na mabawasan ang panganib ng pinsalang maaaring idulot ng pagsadsad ng barko at polusyon ng internatio­nal shipping activities, maprotekta­han ang natatangi at nangangani­b na species ng reef, at mapreserba ang critical habitat at diversity nito.

Magkakabis­a ang ATBA sa Enero 1, 2018.

Ang Tubbataha Reefs Natural Park ay matatagpua­n sa gitna ng Sulu Sea, sa loob ng Coral Triangle, isang lugar na mahalaga sa biological at marine diversity. May lawak itong halos 97,030 ektarya, at tirahan ng mahigit 350 uri ng corals, 500 uri ng isda, at isa sa iilang nalalabing kolonya ng breeding seabirds sa rehiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines