Balita

‘Rent-sangla’ suspect dinakma sa casino

- Mary Ann Santiago

Isang babae na sinasabing sangkot sa “rent-sangla” modus operandi, na nag-o-operate sa Metro Manila at Region 4A, ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isang casino sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ni MPD Director Police Chief Supt. Joel Coronel ang suspek na si Ma. Socorro Gracia McShane, 54, ng 383- B DF F. Roxas Street, 9th Avenue, Caloocan City.

Ayon kay Police Senior Insp. Fernildo de Castro, hepe ng AntiCarnap­ping Investigat­ion Section ng MPD, inaresto si McShane sa Casino Filipino, na matatagpua­n sa A. Mabini St., kanto ng Pedro Gil St., dakong 7: 45 ng gabi kamakalawa. Siya ay inireklamo ni Jomar Pergis, 33, operator ng Grab at Uber, at residente ng Delilah St., sa Barangay Sta. Ana Exodus, Floodway sa Taytay, Rizal.

Sa reklamo ni Pergis, nabatid na noong Hulyo 16 ay nagpakilal­a sa kanya si McShane bilang si Divina Aniciete, negosyante na nagmamay-ari ng Villa Aniciete Resort sa San Juan, Batangas.

Nirentahan umano ni Aniciete ang kanyang Toyota Innnova (ABL-4623), ngunit nang makuha ang sasakyan ay hindi na niya ito matawagan.

Kamakalawa, nakatangga­p ng impormasyo­n si Pergis na namataan ang kanyang sasakyan sa isang casino sa Maynila, at agad humingi ng tulong sa MPDAnCar.

Agad hinanap ng awtoridad ang sasakyan at natagpuan ito sa nasabing casino at tuluyang inaresto si McShane.

Nakumpiska mula sa suspek ang iba’t ibang pekeng identifica­tion ( ID) card na hinihinala­ng ginagamit nito sa ilegal na aktibidad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines