Balita

Marawi evacuees, may State-of-Bakwit Address

- Ali G. Macabalang

MARAWI CITY – Pumayag ang agresibong evacuees na ipagpaliba­n ang pagbabalik nila sa kanilang wasak nang lungsod sa pakiusap na rin ng limang miyembro ng Gabinete, kaya nagsagawa na lang sila ng State-of-Bakwit Address (SOBA) sa Iligan City kasabay ng State- of- the- Nation Address ni Pangulong Duterte kahapon.

Sa pangunguna ng mga nagorganis­a ng balik-Marawi na sina Alim Abu Muhammad Sarangani at ng iba pang Maranao religious leaders, pinakingga­n ng mga ito ang petisyon nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Labor Secretary Silvestre Bello III, Muslim concerns official Abdullah Mama-o, Guiling Mamondiong, at Abul Khayr Alonto ng Mindanao Developmen­t Authority (MinDA), sa pagpupulon­g sa Iligan City nitong Linggo, ayon sa sources ng may akda.

Ayon kay Alinair Decampong, na nakasaksi sa pag- uusap nitong Linggo, sinabi umano ng mga miyembro ng Gabinete na maghahanda sila ng mga sasakyan para sa ligtas na biyahe ng mga kinatawan bilang ayuda, sa araw ng pagbabalik ng mga bakwit sa Marawi, pagkatapos ng SONA ng Pangulo.

Sa pagpayag sa pagpapalib­an ng pag- uwi, isinagawa ng namumunong evacuees ang SOBA upang maisapubli­ko ang kanilang mga hinaing at inaasahan ng kapwa evacuees, na nagsimula bandang 10:00 ng umaga kahapon sa Ma’had Al- Nor Al Islami Madrasa, sa Ceanuri Subdivisio­n sa Iligan City, pahayag ni Drieza Abato Lininding, event organizer ng SOBA.

Sa Facebook post nitong Linggo ng gabi, sinabi ni Lininding na ipoprotest­a rin nila sa SOBA ang limang-buwang pagpapalaw­ig ng Kongreso sa batas militar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines