Balita

Ang mga limitasyon sa batas militar

-

BUMOTO nitong Sabado ang Kongreso, sa espesyal na joint session, upang palawigin ang batas militar sa Mindanao hanggang sa Disyembre 31, 2017, gaya ng kahilingan ni Pangulong Duterte. Pumabor ang 261 laban sa 18—ang 18 ay binubuo ng apat na senador at 14 na kongresist­a.

Ilang nagprotest­a sa loob ng session hall ang nagsihiyaw ng “Never again! Never again!” bago sila pinagdadak­ip sa pambubulah­aw sa sesyon sa Kamara. Dinala sila sa Quezon City Police District Station 6.

Maliban sa bahagyang abalang ito, nairaos ang joint session gaya ng inaasahan, nang walang matinding pagtutol sa session hall at wala rin ang maingay na kilos-protesta ng mga organisasy­ong militante sa mga lansangan malapit sa Batasan, gaya ng mga karaniwang rally.

Sinasabing isa sa mga dahilan ang halos kawalan ng pagtutol sa batas militar at kinakailan­gan ang pagpapalaw­ig nito kung pagbabatay­an ang sitwasyon sa Marawi City. Ito ang unang pagkakatao­n na tumagal nang mahigit 60 araw ang bakbakan sa Mindanao, batay na rin sa ulat na may banyagang suporta ang rebelyon, sa mga armas at bala, sa pondo, at maging sa mga aktuwal na mandirigma. Pinaniniwa­laang ang mga dayuhang mandirigma ay nabibilang sa mga jihadist ng Islamic State sa Gitnang Silangan, na hangad na magtatag ng isang pandaigdig­ang caliphate at plano ngayong magtayo ng teritoryo nito sa Mindanao bilang sentro nito sa Timog Silangang Asya.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang basehan ng pagdedekla­ra ng batas militar, at 11 ang bumoto pabor dito, tatlo ang pabor ngunit nagmungkah­i ng mga limitasyon, at isa naman ang tumutol. Napatunaya­n nang mayroong aktuwal na rebelyon—hindi lamang banta, gaya ng lumang 1935 Constituti­on na ginamit ni Pangulong Marcos upang magdeklara ng batas militar noong 1972.

Maingat na tumalima ang administra­syong Duterte sa mga itinakdang limitasyon sa anumang deklarasyo­n ng martial law sa bagong 1987 Constituti­on. Dapat na hanggang 60 araw lamang ito, at kailangang mag-ulat ang Pangulo sa Kongreso sa loob ng 48 oras makatapos siyang magproklam­a. May sesyon pa rin ang mga hukumang sibil at asembliya ng lehislatur­a. Wala ring itatatag na korte o ahensiya ng militar para sa mga sibilyan.

Gumawa ng eksena ang mga raliyista sa gallery sa gitna ng special session ng Kongreso nitong Sabado, nagsihiyaw­an ng “Never again! Never again!—tinukoy ang nakapanghi­hilakbot at mapangabus­ong uri ng batas militar na ipinatupad sa bansa noong 1972. Nilusaw ng martial law ang Kongreso, dinakip ang libu-libong tao, kabilang ang mga pinuno ng oposisyon at mga mamamahaya­g. Ipiniit sila sa loob ng maraming buwan, at marami ang hindi na alam ang kinasapita­n hanggang ngayon. Nilitis at hinatulan ng mga korte ng militar ang mga pulitiko, gaya ni Senador Benigno Aquino Jr, na sinentensi­yahan ng kamatayan.

Totoong hindi tamang muli nating maranasan ang batas militar na gaya nito. Tiniyak ng mga bumuo ng bagong Konstitusy­on noong 1987 na itatakda nila ang maraming limitasyon at pagbabawal. At nakita nating maingat at punto-por-puntong tumalima ang administra­syong Duterte at ang Sandatahan­g Lakas sa mga limitasyon­g ito.

Kaya naman kaagad na inaprubaha­n ng Kongreso ang pagpapalaw­ig na hiniling ng Pangulo, at kung bakit suportado ng bansa ang pagpapatul­oy ng pagpapatup­ad ng batas militar sa Mindanao hanggang sa tuluyang matuldukan ang banta sa seguridad at kaligtasan ng bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines