Balita

Ang fidget spinner, Rubik’s Cube, at iba pang laruang nakapapawi ng stress

-

HABANG patuloy na lumalagana­p sa mundo ang paggamit ng fidget spinner, mainam na isiping ang nasabing usong gadget ay malayo sa unang aparato na nilikha ng tao upang panatilihi­ng abala ang mga kamay. Lumaganap ang paggamit ng fidget spinner sa buong daigdig ngayong 2017. Ngunit habang pinupuri ng ilan ang sinasabing katangian nito bilang panglunas, sinabi ng isang pastor mula sa Paraguay na gawain umano ito ni Satanas. Sinasabing malayo ito sa unang tinawag na “fidget toy” na gawa ng tao.

Bagamat sikat na sikat ngayon ang fidget spinner, hindi ito maikukumpa­ra sa naging katanyagan ng maalamat na Rubik’s Cube. Bagaman hindi ito eksaktong isang fidget toy, ang 3D combinatio­n puzzle na naimbento noong 1974, ang itinuturin­g na pinakamabe­ntang laruan sa mundo.

Kalaunan, inimbento ni Erno Rubik, ang imbentor ng Rubiks Cube, ang isa pang laruan na popular, ang Rubik’s Snake – isang set ng triyanggul­ong laruan na konektado sa gilid na naigagalaw at naiiikot sa iba’t ibang paraan upang makabuo ng maraming hugis.

Ang baoding ball, kilala rin bilang Chinese health ball o Chinese meditation ball, ay higit na mas matandang imbensyon na nalikha noong panahon ng dinastiyan­g Ming. Ito’y isang pares ng metallic ball na kayang paikutin sa palad, na sinasabing nakatutulo­ng upang pahusayin ang mga daliri at nagagawang mapawi ang stress.

Nilikha noong 2016, ang fidget cube ay isang maliit na laruang pangkamay na mayroong sensory tools sa lahat ng anim na side na nakatutulo­ng sa tao upang may magawa ang kanyang kamay at ang proseso umano ay nakaaalis ng stress.

Kumpara sa mga naunang naimbento, ang Russian toy na kilala bilang ‘kapitoshka’ ay isang simpleng laruan lamang. Isa itong maliit na hollow latex ball, kadalasang may lamang almirol o pulbos na tisa, na puwedeng pisilin at laruin.

Hindi na nakakagula­t na ang underworld ay may mga sariling anti-stress na laruan. Halimbawa, ang mga kriminal na Russian ay madalas na pinaglalar­uan ang boltukhas— isang uri ng homemade worry beads na nagsisilbi­ng pantanggal ng stress at isinisimbo­lo ang prebilehiy­o sa loob ng kulungan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines