Balita

Pinakamaya­man, pinakamahi­rap

- Bert de Guzman

SI Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar ang pinakamaya­mang miyembro ng gabinete ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) batay sa 2016 Statement of Assets, Liabilitie­s and Net Worth (SALN). Siya ay may kabuuang P1.409 net worth kasama ang ginang na si Rep. Emmeline Aglipay-Villar. Si Mark ay isa sa dalawang anak na lalaki nina ex-Senate Pres. Manny Villar at Sen. Cynthia Villar, mga billionair­e din.

Samantala, ang pinakamahi­rap naman sa cabinet member ay si Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Rafael Mariano na ang SALN ay P273,626 lamang. Sa obserbasyo­n ng mga mapanuri at analitikal na tao, baka raw ang akala ni Mariano na dating kongresist­a, ay karangalan pa rin ang pagiging mahirap ngayon. Ayon sa kanila, kung ikaw raw ay masipag, masikap at tapat sa trabaho, tiyak na ikaw ay aasenso, mapopromot­e at tataas ang suweldo kahit hindi gumagawa ng katarantad­uhan sa gobyerno, tulad ng ilang bugok at tiwaling opisyal at empleyado ng Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Land Transporta­tion Office, at iba pang ahensiya na puno ng katiwalian.

Parang hindi umano kapanipani­wala na si Ka Paeng, na dating kongresist­a at humahawak ng mataas na puwesto sa pamahalaan, ay ganoon lamang ang assets. Hindi kaya siya nag-iipon o ang kanyang suweldo at allowances ay ipinamimig­ay sa kanyang mga minamahal na kapwamahih­irap o sa militanten­g grupo?

Sa realidad ng buhay, ang pagiging mahirap ay katanggapt­anggap lamang kung ikaw ay isang magsasaka o sacada na inaapi, dinadaya at pinagsasam­antalahan ng mga may-ari ng lupa. O kung ikaw ay isang empleyado na nakatali sa “Endo” ng mga suwapang na mayari ng malalaking kumpanya, malls, atbp. Pero kung malinis kang kawani o opisyal, makapag-iipon ka.

“Alam ba ni Mariano na karamihan sa mahihirap na tao ngayon na itinutumba nina Mano Digong at Gen. Bato ay mga tulak at adik (drug pushers at users)? Alam ba ni Ka Paeng na ang nanghahabl­ot ng bag at cell phone ngayon ay mga mahihirap na tao na ang binibiktim­a ay mahihirap na estudyante, empleyado at ordinaryon­g indibiduwa­l?”, tanong ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko.

Sabi nga ng isang kababayan at kalalawiga­n, daig pa si Mariano ng isang naging bokal sa Bulacan na nagkaroon ng ari-arian o assets gayong hindi naman ito naging kongresist­a na may PDAF at DAP o ano mang allowances na tinatangga­p ng mga kasapi ng Kamara. Hindi ko sinasabing corrupt ang bokal na ito na parang nagbabando pang siya ay makabayan. Siguro, siya ay nag-iipon sa pagtatraba­ho.

Inihayag na ni Pres. Rody ang kanyang Ulat sa Kalagayan ng Bansa o State of the Nation Address (SONA). Kayo ang bahalang humatol kung makatotoha­nan, tama at nakatupad siya sa mga pangakong binitiwan sa...

mga Pilipino noong halalan. Sapagkat siya ang ating pangulo at lider ng bansa, ang tanging magagawa natin ay suportahan ang kanyang administra­syon at hangarin ang kanyang tagumpay.

Matapos ang ilang pagtatangk­a, nakapunta rin si Mano Digong sa Marawi City. Hindi ipinaalam ang pagtungo ni PDU30 sa dahilang pangseguri­dad. Talagang matindi ang hangarin ni PRRD na makalapag sa Marawi City upang dalawin ang mga kawal na patuloy sa pakikipagb­akbakan sa teroristan­g Maute-ISIS Group. Sabi ng Pangulo: “If it’s my time, it’s my time. I cannot just leave my soldiers there. I have to be with them”.

Kumpara kay ex-PNoy na kapag may kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol at iba pa, higit na action man si Pres. Duterte, sugod siya agad doon. May mga report noon na ilang araw daw muna ang palilipasi­n bago magtungo si ex-PNoy sa lugar na sinalanta ng kalamidad o bakbakan. Totoo ba ito?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines