Balita

Sa pagpapalaw­ig ng martial law sa Mindanao

- Clemen Bautista

TAPOS na ang 60 araw na pagpapaira­l ng martial law sa Mindanao nitong Hulyo 22. Ang martial law sa Mindanao ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 23, 2017, nang pasukin ng Maute group ang Marawi City. Nagresulta sa araw-araw na matinding bakbakan sa pagitan ng mga kawal ng pamahalaan at ng Maute group at iba pang terorista.

Ito ay naging sanhi ng pagkamatay ng 500 katao na binubuo ng mga sundalo, sibilyan at miyembro ng Maute. Ang matinding bakbakan ay nagbunga rin ng pagkawasak ng mga bahay at business establishm­ent dahil sa walang-humpay na air strike ng mga eroplano ng pamahalaan. Nagsilikas din ang mga taga-Marawi City sa mga kalapit na siyudad.

Habang patuloy ang bakbakan sa Marawi, bago sumapit ang Hulyo 22, hiniling ni Pangulong Duterte ang pagpapalaw­ig ng martial law hanggang sa katapusan ng 2017. Nagdaos ng special joint session ang Senado at ang Kamara nitong Hulyo 22. Ang joint session ay pinangunah­an nina Senate President Aquilino Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez. Matapos ang deliberasy­on at talakayan ng mga pabor at kontra sa martial law, pinagtibay o pinayagan ang extension ng martial law na nais ni Pangulong Duterte.

Sa botohan sa Senado, 16 na senador ang pabor at 4 ang kontra na palawigin ang batas militar. Sa Kongreso, ang resulta ng botohan ay 245 ang pabor at 14 ang kontra. Sa magkasanib na botohan, 261 ang sumasang-ayon sa extension at 18 naman ang hindi. Sa talakayan, nagpahayag ng kani- kanilang pananaw ang mga sang-ayon at kontra. Bago nagbotohan sa Senado, hiniling ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na susugan ang mosyon ni Senador Gringo Honasan na gawing 60 araw na lamang ang pagpapalaw­ig sapagkat walang malinaw na batayan upang suportahan ang extension ng batas militar.

Nagpaliwan­ag din ang mga Kinatawan na kontra sa extension ng martial law. Ayon kay Representa­tive Edcel Lagan, ang pamahalaan at ang mga opisyal ng militar na resource persons ay hindi nakapagbig­ay ng kapani- paniwalang pruweba na ang martial law ay kailangan sa Mindanao. Nanawagan naman ang mga Kinatawan ng Lanao del Sur na suportahan ang extension ng martial law upang masugpo na ang lahat ng mga pagbabanta sa kaligtasan. Isang...

Kinatawan naman na Muslim ang nagsabing ang mga kontra sa pagpapalaw­ig ng martial law ay pawang mula sa Luzon. Sana ay tumira umano sa Mindanao ang mga tumututol upang malaman nila ang kabutihang dulot ng martial law.

Sa pahayag naman ng tambolero ni Pangulong Duterte, natutuwa ang Palasyo na naunawaan ng 245 Kinatawan at 16 na Senador kung gaano kaseryoso ang banta ng terorismo sa Mindanao. Ayon pa kay Spokespers­on Ernesto Abella, “The nation has chosen to stand united in defending the Republic. We thank congress for approving the extension of martial law until December 31, 2017.”

Sa pagpapalaw­ig ng martial law sa Mindanao, matapos na sana ang giyera sa Marawi City, magkaroon ng katahimika­n, tuluyang maibangon sa pagkakalug­mok at makamit ang mailap na kapayapaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines