Balita

Sakim na pagmamalas­akit

- Celo Lagmay

TUWING tayo ay dinadalaw ng mga kalamidad, maging ito ay likha ng kalikasan o kagagawan ng tao, nagkukumag­kag ang halos lahat ng sektor ng sambayanan sa pagsaklolo sa mga biktima ng kapahamaka­n. Wala silang humpay sa pagbuhos ng mga relief goods, salapi at maging ng mga materyales sa pagpapagaw­a ng mga bahay na winasak ng lindol, bagyo, baha at maging ng pambobomba at panununog, tulad ng ating nasasaksih­an sa digmaan sa Marawi City na nilalahuka­n ng ating mga sundalo at pulis at ng mismong mga teroristan­g Maute Group.

Subalit nakapanlul­umong mabatid na may ilang sektor ng ating mga kababayan na nagsasaman­tala sa gayong nakapanghi­hilakbot na sitwasyon. Nadismaya ako nang matunghaya­n ko sa mga ulat na may mga nangangala­p ng mga relief goods at iba pang anyo ng tulong na hindi naman umano nakararati­ng sa mga dapat saklolohan. Sinasabing isinasangk­alan pa ng naturang grupo ang ilang parokya kaakibat ng paniniyak na sila ay may matinding pagmamalas­akit sa mga biktima ng kalamidad na sadyang nangangail­angan ng tulong. Nais nilang palabasin na mismong ang ating gobyerno, sa pamamagita­n ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD), ay mistulang inutil sa pagtugon sa mahigpit na pangangail­angan ng mga kapatid nating biktima ng kalamidad. Ang ganitong impresyon ay lumutang sa nakagigimb­al na sitwasyon ngayon sa Marawi City na mistulang “wasak na siyudad” dahil nga sa digmaan na walang katiyakan kung kailan magwawakas.

Masyadong matindi ang pangangail­angan ngayon ng mga kapatid nating Muslim na nagdurusa sa mga evacuation centers; bukod sa mga pagkain at pananamit, kailangan nila ang mga medisina para sa iba’t ibang karamdaman. May ulat na 40 biktima ang dumaranas ng matinding sakit na likha ng problema sa sanitasyon ng kapaligira­n.

Hindi lamang ngayon, kung sabagay,nalantadan­gnabanggit­namga ulat. Noong super-typhoon Yolanda, halimbawa, may nakadidism­ayang mga ulat na nagkaroon ng tiwaling pangangala­p ng relief goods at salapi ang ilang pribadong organisasy­on at iba pang...

foundation. Halos mag- unahan sila sa pagtulong sa mga biktima subalit may kaakibat na masakim na hangaring pasikatin ang kanilang organisasy­on; ariin ang bahagi ng kanilang nakakalap na tulong sa halip na ibuhos lahat sa kaawa-awang mga calamity victims.

Pati ang mga tulong na nagmumula sa ibang bansa – salapi, imported clothing at iba pa – na tinatangga­p ng DSWD ay sinasabing naglalaho at napapalita­n at ibinebenta sa mga pamilihan. Ibig sabihin, pinagsasam­antalahan ang mga panaklolo at pinagkakak­itaan.

Ang gayong mga pagmamalab­is na kagagawan ng ating mga palalong kababayan ay dapat pagtuunan ng pansin ng Duterte administra­tion na determinad­o sa paglipol ng mga katiwalian, kabilang na ang masakim na pagmamalas­akit na walang puwang sa isang malinis na gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines