Balita

Pelikula nina AJ at Phoebe, iniurong ang playdate

- Ni REGGEE BONOAN

NAURONG pala ang playdate ng pelikulang

Double Barrel nina AJ Muhlach at Phoebe Walker pero hindi binanggit kung ano ang dahilan. Inisip na lang namin na baka nag-give way ang Viva Films sa Kita Kita na tumatabo ngayon sa takilya na sila rin ang distributo­r.

Nabanggit ni Phoebe na nagpamisa sila ng pamilya niya sa Antipolo Church at dasal niyang kumita ang pelikulang first time niyang pagbibidah­an kasama si AJ.

“Wala po kasing kasiguradu­han kaya nagpamisa po kami ng family ko, first time lang po, kasi feeling ko ito ‘yung movie na lead talaga, ‘tapos Viva pa ang nag-produce and it’s the first film na kasama sa 12 picture contract ko na pinirmahan ko sa kanila in five years,” pahayag ng baguhang aktres.

Katatapos lang i- renew ni Phoebe ang panibagong five-year contract sa Viva kaya hoping siya na sana ay mag-click na siya sa loob ng limang taon dahil edad 25 na siya. May love scene sina Phoebe at AJ sa Double

Barrel at dahil galing siya sa isang konserbati­bong pamilya ay inusisa siya ng reporters kung paano nila tinanggap ang mga ginawa niya.

“May tiwala naman po ang family ko sa akin, alam naman po nila na work lang. Openminded din po kasi ako kasi hindi naman ako dito lumaki, sa Hong Kong po ako ipinangana­k, sa Hong Kong po kami ipinangana­k ng kapatid ko. Doon po kasi nagkakilal­a ang parents ko. My mom is a Filipina (Ilocana) and my dad is British po,” kuwento ng aktres sa pocket presscon ng Double Barrel.

Dumating sila sa Pilipinas noong Grade 4 siya dahil mas gusto na ng mommy niya na dito na sila manirahan at naiwan sa Macau ang dad niya. Binibisita silang mag-iina every two months at may ipinadadal­ang financial support.

“May work po kasi si Dad sa Olympic Council of Asia so busy siya kung saan po may events,” pakli ni Phoebe.

At dahil matagal nang hindi nagsasama ang magulang niya dahil magkaibang bansa nakatira, “Parang platonic na lang po sila, but they’re not separated. Wala rin pong ibang family on both sides,” saad pa ng dalaga. “I’m very blessed po ako sa family ko.”

Anyway, may non-showbiz boyfriend si Phoebe at isang taon na raw sila. Hinihintay lang siya nito kung kailan siya handang magpakasal dahil 30 years old na ang guy.

Bahagyang natawa si Phoebe nang tanungin namin kung naniniwala ba siya sa live-in, tulad ng paniniwala ni Nadine Lustre?

“Well, nowadays, people do live-in naman na before marriage, di ba? Pero ako po, hindi naman kasi I live with my family. If ever na niyaya ako, parang nasa gitna po. Parang there’s something na okay sa akin, parang something na too much for me, pero feeling ko hindi ako papayag kasi hindi po ako papayagan ng mommy ko kasi ako ‘yung eldest at tatlo na lang kami sa bahay. And I want to set an example for my sister also, so it’s a no.”

Ano ang reaksiyon ni Phoebe sa sinabi ni Nadine na pabor ito sa live-in?

“Iba-iba naman po ‘yung perception ng tao, to each their own po. Kung ano’ng okay sa iyo as long as okay naman sa support group mo, sa family mo, why not? Life is too short, so dapat ano lang happy-happy lang,” nakangitin­g sagot ng dalaga.

Samantala, sa nakaraang Eddys Awards ay napagkamal­ang si Cristine Reyes si Phoebe dahil magkamukha­ng-magkamuha sila, maging ang Abante entertainm­ent editor na si Dondon Sermino ay umaming nag-akala ito na ang asawa

ni Ali Khatibi ang sinasalubo­ng nito. “Oo nga po, marami’ng nagsabi, ang suwerte ko po kasi maganda si Cristine, magkasama nga po kami nu’ng gabi. Ha-ha-ha, nakakatuwa po talaga, hi and hello po kami ni Cristine, sabi nga po ni Ali. “Una ko pong nakasama si Cristine sa Trophy

Wife (2014), ‘tapos si Ali sa workshop ko po nakasama at kami po talaga ‘yung parang friends. At saka si Cristine po ‘yung girl crush ko talaga kasi ang ganda niya at ang galing niya sa No Other

Woman (2011),” pagtatapat ni Phoebe. Pero klinaro ng lead actress ng Double Barrel na hindi siya tomboy.

“Hindi po kasi ako girl type na puro boys ang crushes, I’m more into girls lalo na kung magaling magdala ng sarili, magaling umarte, maganda. Hindi po kasi ako palaayos, kung may lakad o shooting, doon lang po ako nag-aayos o nagmemake up,” aniya.

Nagtapos sa Ateneo de Manila University ng AB European Studies major in Business noong 2011 si Phoebe at nasubukan na niyang magtrabaho sa Philippine Olympic Committee sa loob ng isang taon.

“Inamin ko po sa sarili ko na gusto kong mag-showbiz and kaya ko, mahilig po talaga akong manood ng movies, manood ng TV sa ABS-CBN. Pero may doubt po ako nab aka hindi ako makapasok kasi wala naman akong pamilya sa showbiz.

“Pero lahat po ng energy ko, showbiz-oriented kasi since high school po, nagpe-perform, naghohost, so doon ko gusting ibuhos lahat, wala naman po akong ibang alam gawin,” pagtatapat ng dalaga.

Pero kung hindi talaga siya papalarin ay binanggit naming puwede siyang magturo, tutal mahilig siyang magturo sa mga bata bilang isa sa advocacy niya noong nag-aaral siya sa kolehiyo.

“Sa tingin n’yo po ba hindi ako sisikat?” seryosong tanong sa amin ng dalaga. “If ever pong magtuturo ako, siguro po sa ibang bansa, hindi rito, baka sa Japan, kasi need nila ng English teacher.”

Sabi namin, may chance namang sumikat basta right material ang mga pelikulang gagawin dahil dito sa showbiz ay hit or miss.

Kaya nga panay daw ang panalangin ni Phoebe na sana mag-click ang Double Barrel nila ni AJ na idinirek ni Toto Natividad for Viva Films. Sa August 9 na ang bagong playdate nila.

 ?? Al at Phoebe ??
Al at Phoebe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines