Balita

Mahigit 90 katao sa concert ni Chance the Rapper , isinugod sa ospital

- Chicago Tribune

MAHIGIT 90 katao ang naospital sa kasagsagan ng concert ni Chance the Rapper sa Connecticu­t nitong nakaraang Biyernes, ayon sa mga awtoridad.

Isinugod sa ospital ang karamihan sa kanila dahil sa labis na kalasingan.

Ayon kay Hartford Deputy Chief Brian Foley nitong Sabado, umabot sa 50 menor de edad ang iniulat ng mga opisyal sa Hot 93.7’s Hot Jam concert sa Xfinity Theater. Halos lahat sa mga ito ay kinasuhan at inutusang magpakita sa korte. Ang ilan sa mga inaresto ay sa mismong concert hinuli.

Ang mga manonood ay binubuo ng kabataan at early 20s, pahayag ni Foley. “Extremely prevalent,” ang tailgating, partying at sobrang pag-inom ng alak sa naturang konsiyerto.

Dagdag pa ni Foley, ang karamihan sa mga isinugod sa ospital ay mga menor de edad sanhi ng “severe intoxicati­on.” Sinabi ni Hartford Fire Capt. Raul Ortiz sa The Hartford Courant na maraming pasyente ang kinailanga­ng dalhin sa ibang ospital sa labas ng Hartford para gamutin. Isang 19- year- old ang iniulat na may blood-alcohol content na halos 0.5— walong ulit na mas mataas kaysa legal na limitasyon para makapagman­eho. Iniulat ni John Brancato, assistant director sa pediatric emergency department sa Connecticu­t Children’s Medical Center sa Hartford, sa pahayagan na dinala sa intensive care unit ang naturang disinuwebe anyos para sa close monitoring. Kabilang sina Kyle, PnB Rock at ANoyd sa mga nagtanghal sa concert. Tinatayang 21,000 katao ang dumalo sa pagtatangh­al, dagdag pa ni Foley.

 ?? Chance ??
Chance

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines