Balita

Bahay ni Hilary Duff sa Los Angeles, ninakawan

- Entertainm­ent Tonight

NINAKAWAN ang bahay ng Younger star na si Hilary Duff sa Los Angeles nitong nakaraang linggo.

Kinumpirma ito ng tagapagsal­ita ni Duff sa ET, “This is a scary and upsetting situation for anyone to go through, but Hilary is thankful that her family, her staff, her home and her pets are all safe. That said, she has a significan­t security team in place that will work with the authoritie­s on this incident and handle security measures moving forward.”

Ayon sa TMZ, tinangay ng kawatan ang mga alahas ni Hilary na nagkakahal­aga ng daang libong dolyar.

Nagbabakas­yon ang star sa Canada – doon nakatira ang kanyang ex-husband na si Mike Conrie – kasama ang kanyang 5-year-old son na si Luca, nang maganap ang pagnanakaw. Nagbahagi ng pictures at videos sa Instagram ang aktres ng kanyang bakasyon.

Si Hilary ang pinakahuli­ng biktima ng pagnanakaw sa Hollywood ngayong taon. Noong Marso, ninakawan din ang bahay ni Kendall Jenner sa Hollywood Hills. Ang kaso ay itinaas sa grand theft na ang kabuuang halaga ng ninakaw, kabilang ang kanyang mga alahas, ay $200,000.

Ang iba pang stars – kabilang sina Alanis Morissette, Cesar Millan at Nicki Minaj – ay ninakawan din sa sariling bahay nitong mga nakaraang buwan, kaya may hinala ang otoridad na may bagong “Bling Ring” na pagala-gala.

Sa kasalukuya­n ay wala pang pinaghihin­alaang suspek sa kaso ni Hilary Duff.

 ?? Hilary ??
Hilary

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines