Balita

Lady senators, simple ngunit elegante ang suot sa SONA

- Ni HANNAH L. TORREGOZA

Simple ngunit elegante. Ganito ang kasuotang inirampa ng mga babaeng senador sa pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon ng Senado at sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaabot ni Sen. Loren Legarda ang suporta sa kulturang Maranao at kanilang pamana sa kanyang Marano outfits. Sa pagbubukas ng Senado, inirampa ni Legarda ang lumang gown niya noong 1990’s na gawa sa Maranao landap, na kanya ring isinuot nang gawaran siya ng Marawi Sultanate league ng titulong Bai a Labi a Macalangka­p, isang honorary Muslim princess title na ang ibig sabihin ay “known to everyone.”

Sa SONA ng Pangulo, isinuot naman si Legarda ang lumang blusa ng kanyang namayapang ina na tubong Antique at Maranao landap na hinabi sa tradisyuna­l na paraang inaul. Pinaresan niya ito ng sapatos na gawa sa Marikina at local na bag bilang suporta sa local microenter­prises.

Pinili naman ni Sen. Cynthia Villa Filipino ang likha ng Filipino designer na si Noli Hans. Isinuot ni Villar ang salmon cheese cloth kimono at embroidere­d tapis sa ibabaw ng mandarin cheese cloth skirt. Sa SONA, nagsuot si Villar ng red-wine silk cocoon na may callado pattern sa modern kimono at embroidere­d peplum.

Modern barong na tinernuhan ng itim na palazzo tuxedo pants naman ang suot ni Sen. Nancy Binay.

Elegante rin sina Sen. Grace Poe at Sen. Risa Hontiveros sa kanilang simpleng puting kasuotan.

Classy ang dating ni Poe sa puting terno na may itim at puting detalye.

Suot ni Hontiveros ang puting modern barong ni Joel Acebuche tampok ang lace design na pinaresan ng simpleng crepe dress. Sinabi ni Hontiveros na nagsuot siya ng puti bilang simbolo ng paghahanap ng katotohana­n at paglaban sa fake news.

 ?? ALI VICOY ?? Sina Sens. Hontiveros, Villar, Poe, Legarda, at Binay sa SONA kahapon.
ALI VICOY Sina Sens. Hontiveros, Villar, Poe, Legarda, at Binay sa SONA kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines