Balita

OFWs sa Saudi pinagbabay­ad ng dependent’s fee

- Samuel P. Medenilla

Apektado ang overseas Filipino workers ( OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdig­ang pamilihan dahil napipilita­n silang magbayad ng mga karagdagan­g bayarin.

Ipinahayag ng Philippine Overseas Employment Administra­tion ( POEA) na sinimulan ng pamahalaan ng Saudi ngayong buwan ang pag-oobliga sa mga dayuhang manggagawa, kabilang ang mga OFW, sa pribadong sektor na bayaran ang Iqama ( resident permit) ng kanilang mga kamaganak o dependent na kasama nila sa KSA.

“The Saudi cabinet approved the collection of dependent’s fee from foreign workers reportedly to boost state revenues to offset the impact of the drop in oil prices,” ani POEA.

Naghihirap ang KSA sa mababang kita ng gobyerno dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa kasalukuya­n.

Ipinaliwan­ag ni Bernard Olalia, Labor undersecre­tary at POEA officer- in- charge administra­tor, na sa simula ay inoobliga ang mga OFW na magbayad ng 100 Saudi Riyals o P1,350 para sa bawat dependent kada buwan sa gobyerno ng Saudi.

“The fee will be increased to SR 200 (USD 53) per dependent per month in 2018, SR 300 (USD 80) per month in 2019 and SR 400 (USD 107) in 2020,” sinabi ni Olalia sa POEA Advisory No. 7 (series of 2017).

Iniulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa KSA na sakop ng tinatawag na “dependent’s fee” ang asawa, anak, magulang, biyenang babae o lalaki, kasambahay, at driver na nakarehist­ro sa pangalan ng OFW o dayuhang nagtatraba­ho sa commercial companies.

Ang mga OFW o iba pang migrante, na hindi makapagbay­ad ng “dependent’s fee” ay hindi pagkakaloo­ban ng exit/re-entry visa, at hindi ire- renew ang kanilang residence permit.

Ipinatupad ng Directorat­e of Passport ng Ministry of Interior ng KSA ang bagong polisiya simula Hulyo 1, 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines