Balita

Bersola, POW ng PVL Open

-

NAKOPO ni Perlas BanKo's middle blocker Kathy Bersola ang ikalawang Philips Gold-Premier Volleyball League (PVL) Press Corps Player of the Week.

Pinangunah­an ni Bersola ang Perlas sa 14 puntos, tampok ang limang blocks para sandigan ang Perlas laban sa kanyang alma mater UP Lady Maroons, 30-28, 21-25, 25-21, 25-18, nitong Miyerkules at kumana ng career-high 24 puntos sa 24-26, 13-25, 25-13, 25-22, 15-11 desisyon laban sa Bali Pure para makopo ang solong ikaapat na puesto (3-3).

"Binigay lang talaga sa akin ng teammates ko 'yung pagkakatao­n na maka-score," sambit ni Bersola. "Siguro I took advantage na din sa mga ginagawa ng kalaban. We needed this win so everybody had to do their part. I just tried to do my best."

Ginapi ni Bersola sa parangal sina Perlas-BanKo teammate Nicole Tiamzon, bumida rin sa huling dalawang panalo ng koponan, at Creamline Cool Smasher Rose Marie Vargas.

Nasa ikalima ang 5-foot-11 middle blocker para sa Best Blocker tampok ang 13 kill blocks, habang ika-16 sa scoring na may kabuuang 64 puntos.

Target ng Perlas, nagmintis sa kampanyang makarating sa semifinal sa nakalipas na conference, na makasiguro ng playoff sa pakikipagh­arap sa Creamline sa huling araw ng eliminatio­n round sa Hulyo 30.

"We were talking and sinabi namin na we needed to perform better this conference," sambit ni Bersola. "It's a lot about pride as players for us na we just can't let ourselves lose. Kailangan namin ipakita 'yung palaban namin na attitude."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines