Balita

Pocari at Air Force, kumubra ng playoff

-

KAPWA humataw ang defending champion Pocari Sweat at Air Force para makasiguro ng playoff sa semifinals sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Linggo sa The Arena sa San Juan.

Ginapi ng Pocari ang Adamson University, 25-23, 25-14, 25-19, habang dinaig ng Air Force ang Power Smashers, 25-22, 26-24, 18-25, 17-25, 15-13 para sa ikatlong sunod na panalo.

Kumana si Mayla Pablo sa naiskor na 17 puntos, habang nagambag si Tai Nepomuceno ng 14 puntos para sa Lady Warriors.

Matapos mabigo sa dikitang laban sa Creamline, hataw ang Lady Warriors para mahila ang karta sa 4-1 at makasosyo ang Air Force.

Sa kabila ng panalo, nanatiling dismayado si Pocari Sweat coach Rico de Guzman.

“Hindi pa naman ako medyo satisfied sa ginalaw ng players ko, gusto kong makita sa kanila kung piano mag-adjust sa habitat na serve at kung paano nila madadala sa setter,” aniya.

“Sa first set muntik pa kami (matalo), kung hindi pa ako nagalit (hindi sila kikilos). Sabi ko ayaw ko ng attitude na ganyan, nagkumpyan­sa kayo sa Adamson.”

Nanguna si Jema Galanza sa Adamson sa natipang 11 puntos.

Kumana naman si Mary Ann Pantino ng 14 puntos sa Lady Jet Spikers, habang tuluyang isinara ang pag-asa para sa Power Smashers (1-5).

“Sobrang importante sa amin ang panalong ito kasi naghahabol kami,” pahayag ni Air Force coach Jasper Jimenez.

“Dahan dahan lang, last game namin sa Pocari at saka Adamson so sana maka-isa pa para ma-sure kami sa top four. Yung third at saka fourth nawalan kami ng first ball tapos hindi namin mapigil ‘yung Prado, hindi ma-organize ang blocking namin,” aniya.

 ?? RIO DELUVIO ?? NAGBUNYI sina Nicole Tiamzon (kanan) at Gizelle Tan ng Perlas-Bangko ng mabigo ang UP Maroons na makadepens­a sa kainitan ng kanilang laro sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kamakailan sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Namayani ang...
RIO DELUVIO NAGBUNYI sina Nicole Tiamzon (kanan) at Gizelle Tan ng Perlas-Bangko ng mabigo ang UP Maroons na makadepens­a sa kainitan ng kanilang laro sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kamakailan sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Namayani ang...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines