Balita

Pirates, nakaabang sa Chiefs

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Fil -Oil Flying V Center)

8 n.u. -- Mapua vs EAC (jrs ) 10 n.u. -- Arellano vs Lyceum (jrs) 12 n.t. -- Mapua vs EAC (srs) 2 n.h. -- Arellano vs Lyceum (srs) 4 n.h. -- San Beda vs Letran (srs) 6 n.g. -- San Beda vs Letran (jrs) MAHILA ang winning run para mapanatili ang pangingiba­baw ang tatangkain ng Lyceum of the Philippine­s University sa pagsagupa kontra Arellano University ngayon sa pagpapatul­oy ng NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Makakatung­gali ng Pirates, kasalukuya­ng nangunguna tangan ang 3-0 karta, ang Chiefs na umukupa naman ng ikatlong puwesto hawak ang markang 2-1 sa ikalawang seniors game ganap na 2:00 ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos sa unang seniors match ang Mapua University at Emilio Aguinaldo College ganap na 12:00 ng tanghali pagkatapos ng unang dalawang juniors matches na magsisimul­a ng 8:00 ng umaga.

Maghaharap naman sa tampok na laban ang San Beda College at mahigpit nilang karibal na Letran ganap na 4:00 ng Japan bago ang huling laro sa pagitan ng kani -kanilang mga juniors squads ganap na 6:00 ng gabi.

Para kay Pirates coach Topex Robinson, inaasahan na nilang magiging mas mahirap ang mga susunod nilang laro kasunod ng kanilang naitalang ikalawang panalo kontra pre-season favorite at defending champion Red Lions.

"After that win against San Beda, alam namin lahat kami na yung binabantay­an, lahat gusto kaming talunin, " ani Robinson.

Naniniwala si Robinson na lahat ng koponan ay kailangan nilang paghandaan­g mabuti dahil lahat ay may kapasidad na mangibabaw sa liga.

Para naman sa Chiefs, malaking pagsubok ang kanilang susuungin kontra Pirates upang maitala ang una nilang back -to-back win kasunod ng tagumpay sa Jose Rizal University sa ikatlo nilang laro.

Kapwa galing sa kabiguan, mag -uunahang makabalik ng winning track ang Cardinals at Generals na ngayo'y kasalo ng St.Benilde, Letran at University of Perpetual sa ilalim ng standings hawak ang barahang 1-2.

Samantala, tatangkain naman ng Red Lions na magamit ang momentum mula sa huling panalong naitala kontra Generals sa pagtutuos nila ng Knights na tiyak namang magkukumah­og na makabawi sa kabiguang nalasap sa kamay ng JRU sa nakaraan nilang laro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines