Balita

‘GORIO’ + HABAGAT

Ulan posibleng hanggang weekend pa—PAGASA

- Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ May ulat nina Rommel Tabbad, Mary Ann Santiago, at Liezle Basa Iñigo

Lumakas at ganap nang naging bagyo ang tropical cyclone ‘Gorio’, na bahagya ring bumagal, ngunit nagbuhos ng maraming ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas na posibleng tumagal hanggang sa weekend, ayon sa Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA).

Tinaya ng PAGASA ang lokasyon ng Gorio sa 595 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora, bandang 10:00 ng umaga kahapon.

May lakas ito ng hanging aabot sa 65 kilometer per hour (kph) at bugsong 80 kph, habang kumikilos pahilaga-hilagang kanluran palayo sa bansa sa bilis na 13 kph.

Sinabi ni Obet Badrina, weather forecaster ng PAGASA, na masyadong malayo sa lupa ang mata ng bagyo, ngunit nagdudulot ito ng pag- uulan sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.

Maliit lamang ang tsansang mag-landfall ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa. Wala pang storm warning signal na naitaas sa bansa habang sinusulat ang balitang ito.

Bagamat posibleng humina nang tuluyan ang Gorio, nagbabala si Badrina sa publiko na manatiling nakaalerto laban sa posibilida­d ng baha at landslides.

Tuluy-tuloy na pinalalaka­s ng Gorio ang habagat, na nagdudulot ng minsan ay napakalaka­s na ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

“As Gorio continues to move north, it will also continue to pull the southwest monsoon (habagat) inland that will bring rains over a huge portion of Luzon until the weekend,” sabi ni Badrina.

Dahil sa malakas na ulan, umaga pa lamang ay nagsuspind­e na ng klase sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), Maynila, Quezon City, Bataan, Cavite; sa San Mateo at Rodriguez sa Rizal; sa Bani, Pangasinan; at sa Subic, Zambales.

Kasabay nito, nalusaw na ang isa pang sama ng panahon sa West Philippine Sea na nasa labas ng Philippine area of responsibi­lity (PAR), ngunit dahil tiniyak na ni Badrina na paiigtingi­n ng Gorio ang habagat, dapat aniyang asahan ang higit pang pag-uulan sa Luzon.

Kung mapananati­li ang kasalukuya­ng direksiyon, tinatayang sa Linggo, Hulyo 30, pa lalabas ng PAR ang Gorio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines