Balita

Rape-slay suspect ‘nagpakamat­ay’ sa Crame

- Nina AARON B. RECUENCO, FER TABOY at JUN FABON

Isang ex-convict na inaresto sa panggagaha­sa at pagpatay sa walong taong gulang na babae sa Nueva Ecija ang umano’y nang-agaw ng baril ng kanyang police escort at binaril ang sarili sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.

Ayon kay Senior Supt. Glenn Dumlao, director ng Anti-Kidnapping Group (AKG), naganap ang pagpapakam­atay ni Hilario Herrera habang siya ay ibinabalik sa selda sa loob ng compound ng unit, dakong 9:00 ng gabi nitong Martes.

“He (Herrera) and his escorts just came from an inquest proceeding­s when he grabbed the service firearm and shot himself,” ani Dumlao, idinagdag na ang mga kasong kidnapping, rape at homicide ay isinampa laban sa suspek sa Department of Justice sa Maynila bago ang pagpapakam­atay.

Sinabi ni Dumlao na hindi inaasahan ng dalawang escort ang pagpapakam­atay ni Herrera dahil wala itong indikasyon simula nang ito ay arestuhin sa Palawan matapos ang panggagaha­sa at pagpatay sa Nueva Ecija.

Si Herrera ay akusado sa panggagaha­sa sa anak ng kanyang amo bago itinapon ang bangkay sa isang creek noong nakaraang linggo. Namamasuka­n siya bilang house helper.

Ngunit upang maiwasan ang pag- aalinlanga­n na may naganap na foul play, sinabi ni Dumlao na agad niyang ipinag- utos sa dalawang police escort ni Herrera na sumailalim sa paraffin test at kinordonan ang pinangyari­han at tumawag ng police investigat­ors.

Nang tanungin kung ano ang maaaring dahilan ng pagpapakam­atay ni Herrera, sinabi ni Dumlao na maaaring nakonsensi­ya si Herrera dahil naging sobrang bait sa kanya ng kanyang amo.

Isa pang dahilan ang umano’y unwritten rule sa Iwahig Penal colony kung saan pinapatay ang mga rape convict, lalo na ang mga nambiktima ng mga bata.

“There’s a tradition there ( Iwahig) that if your case is rape, you will be killed. Maybe it entered his mind that he would be killed,” ayon kay Dumlao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines