Balita

Ilang Marawi soldiers nagkakasak­it na

18-BUWANG REHAB KULANG

- Fer Taboy at Francis Wakefield

Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na nagkakasak­it na ang ilang sundalo na tumutugis sa mga natitirang terorista ng Maute Group sa Marawi City, Lanao del Sur.

Inamin ni Capt. Joan Petinglay, bagong tagapagsal­ita ng Joint Task Force Marawi, na nagkakasak­it na ang ilang sundalo—na ang ilan ay dinapuan na ng dengue, bacteria at virus—sa pagtugis sa hanggang 70 terorista na nagkukubko­b sa tatlong barangay sa siyudad.

Batay sa military monitoring, suicidal na umano ang mga terorista, na dahil nanamlay na ang mga sniper ay nagpapasab­og na ng mga bomba sa mga sundalo habang nagpapalip­at- lipat ng lugar.

Nabatid na mahigit 600 na ang nasawi, kabilang ang nasa 460 sa Maute, sa 63-araw na bakbakan sa Marawi.

Samantala, nakasamsam ang Scout Ranger ng isang kilong shabu sa dating pinagkutaa­n ng Maute sa siyudad, isang istruktura na nasa main battle area.

Ayon sa Joint Task Force Marawi, isasailali­m nila sa laboratory test ang mga nasamsam na shabu.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi sapat ang 18 buwan upang maisailali­m sa rehabilita­syon ang Marawi.

“So it will take more time. I think 18 months will not be enough to recover or rehabilita­te Marawi City,” sabi ni Lorenzana. “So we are looking at the resolution of the Marawi incident maybe a week, ah, a month or so.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines