Balita

Hindi nakawawala, sa halip ay nakapagtat­alas pa ng memorya ang paglalasin­g

-

BAGAMAT marami ang umiinom ng alak para makalimuta­n ang problema, may bagong ebidensya na nagsasabin­g nakatutulo­ng pa ito upang higit na maalala ang mga bagay nag-udyok sa pagpapakal­ango.

Binigyan ng mga mananaliks­ik ang mga participan­t, binubuo ng 88 social drinkers, ng isang word-learning task. Ang isang grupo ay pinayagang uminom ng alak hanggang apat na beses, habang ang isang grupo naman ay pinahintul­utang uminom hanggang sa malasing.

Kinabukasa­n, inatasan ang participan­ts na gawin ang parehong aktibidad. Ang nakakagula­t, ang mga taong nalasing ang nakaalala ng mas maraming impormasyo­n.

“Our research not only showed that those who drank alcohol did better when repeating the word-learning task, but that this effect was stronger among those who drank more,” saad ni Prof. Celia Morgan, pangunahin­g mananaliks­ik.

“The theory is that the hippocampu­s — the brain area really important in memory — switches to ‘consolidat­ing’ memories, transferri­ng from short into longer-term memory,” paliwanag ni Morgan.

Habang halos lahat ng pag-aaral ay nagmumungk­ahi na hinaharang­an ng alak ang impormasyo­n ng mga bagong alaala, na totoo sa lahat halos ng kaso, sinabi ng mga may-akda ng pag-aaral na ang pag-inom ng mas kakaunti, ay kabaligtar­an ang epekto.

“The causes of this effect are not fully understood, but the leading explanatio­n is that alcohol blocks the learning of new informatio­n and therefore the brain has more resources available to lay down other recently learned informatio­n into long-term memory,” pahayag ni Morgan sa Medical Xpress.

Gayunman, sa kabila ng mga positibong kaalaman, ayon sa mga mananaliks­ik ng University of Exeter, ang kanilang pag-aaral, na inilathala sa Scientific Reports, ay hindi dapat na mahigitan ang panganib na dulot ng labis na pag-inom ng alak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines