Balita

‘I’m sorry!’

- Aris Ilagan

WALANG kadala-dala! Nitong Martes ng tanghali, isang cargo truck ang nasangkot na naman sa aksidente sa C-5/Ortigas flyover, at inararo nito ang 19 na sasakyan.

Idinahilan ni Juan Mirabueno, driver ng 10-wheeler truck na pag-aari ng Solid Gold Trading, na bumulaga sa kanya ang matinding trapiko sa kanyang daraanan habang umaakyat siya sa C-5/Ortigas flyover kaya inapakan niya ang pedal sa preno.

Subalit sa halip na tumigil ang dambuhalan­g sasakyan, pumalpak ang preno nito at inararo ang mga sasakyan na nakatigil sa harapan nito.

Walang kalaban-laban ang mga nakahinton­g sasakyan sa harapan ng cargo truck kaya mistulang mga lata ng sardinas na pinitpit habang dumadausdo­s ang dambuhalan­g sasakyan sa itaas ng flyover.

Dakong 10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente kaya nasabayan nito ang kasagsagan ng trapiko sa lugar.

Isang rider ang namatay sa insidente matapos maipit ang kanyang motorsiklo sa ilalim ng truck. Ilan pang driver ang nasugatan.

Nakakikila­bot ang eksena na nakuhanan ng dash cam ng mga motorista na natiyempon­g dumaraan sa lugar nang mangyari ang trahedya.

Mayroong kotseng bumalagbag sa kabilang lane matapos itulak ng ibang sasakyan na sinalpok din ng truck.

Malaking perhuwisyo ang naidulot ng truck.

At nang kapanayami­n ng mamamahaya­g si Mirabueno, iisa lang ang kanyang naging tugon: “Sorry po!”

Nakapapago­d nang mapakingga­n ang ganitong linya mula sa mga taong pinagmumul­an ng aksidente sa lansangan. Matapos makapatay at makasugat ng mga inosenteng tao, sorry ang maririnig natin.

Bukod dito, bakit ang pobreng driver lang ang pinupuntir­ya sa tuwing mayroong sakuna sa kalsada? Bakit hindi iharap sa media ang tunay na may-ari ng sasakyan upang magpaliwan­ag kung bakit pumalpak ang preno ng truck?

Bakit si Mirabueno lamang ang nagsasalit­a sa TV? Nasaan ang amo mo?

Malaking danyos ang kinahahara­p ng Solid Gold Trading bunsod ng insidente. Hindi ito madadaan sa pasorry sorry lang.

Mahalaga na inspeksiyu­nin muna ang bawat sasakyan bago ito ilarga sa lansangan. At kung may nakitang depekto sa sasakyan, huwag nang piliting gamitin dahil tiyak na peligro lang ang idudulot nito.

Sa halip na tumabo ng kita mula sa delivery service, milyun-milyong piso ang bubunutin ng may-ari ng truck dahil sa dami ng pinerhuwis­yo nito.

Sa halip na ipagawa ang preno na aabutin lamang ng ilang daang piso ay lumaki pa ang kanilang gastos bukod pa sa asuntong kanilang kakaharapi­n.

Sentido kumon lamang ito, amigo.

Kailangan pa bang ime-memorize ‘yan?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines