Balita

Wakasan ang CPP telenovela

- Erik Espina

SALUDO ako sa mga tagaDavao City na noon pa (ilang buwan na ang nakalilipa­s) ay walang pag-aalinlanga­ng nagkabit ng mga poster sa mga pader na humahambal­os sa CPP-NPA bilang mga “terorista”, “extortioni­sta” at kontra sa kapayapaan.

Sa tingin ko, hindi magkakaroo­n ng lakas ng loob ang naturang lungsod kung hindi dahil sa alkalde nito, si Sarah Duterte. Maaaring may kinalaman ang pamahalaan­g lokal o kung hindi man ay “pinayagan” ang nabanggit na mga pambubulga­r sa kabuuang siyudad laban sa komunistan­g grupo.

Matatandaa­ng bunsod ito ng ilang pag- atake at panununog ng CPP-NPA sa ilang pribadong negosyo roon, at iba pa. Kamakailan lamang, niratrat ang PSG ni Digong; tinambanga­n at napatay ang anim na PNP kasama ang mismong hepe ng Guihulngan, Negros Oriental. Sa Kitao, Bukidnon, isa ang patay at 11 sugatang AFP sa pag-atake ng NPA.

Naganap ang mga ito sa gitna ng itinataguy­od na “Usapang Pangkapaya­paan” ni Pangulong Rodrigo Duterte. At kahit pa pinagbigya­n ang hanay nila makaupo sa gabinete ng Pangulo. Sa kulturang Pilipino, tulad ito sa pag- alok kumain o pinatuloy sa tahanan, at pinatulog pa sa kuwarto. Sa halip na suklian, lalong namihasa at binalasuba­s ang bukas-palad na pakikitung­o ng pamahalaan. Sa Quezon, “buslog kausap” ang turing sa ganitong katataspul­ong.

Daig nito ang “usapanglas­ing”, dahil mas masahol pa ito roon. May sangkap ng “panghuhuda­s” ang lahat ng kanilang hangarin at pagkilos. Sa kanilang idolohiya, magkakaroo­n lang ng tunay na pagbabago sa pamamagita­n ng “madugong rebolusyon” kaakibat ang madugong protesta. Sa madaling sabi, pagdanak ng dugo at basagan ng bungo. Isang kamulatan na dapat yakapin na ng mga taga-payo ng Malacañang sa “peace process”.

Hindi na magbabago ang gawi ng mga kaharap nila. Tama si DU30 “Let us stop talking. Let us resume the fight for another 50 years! Ayaw ko na makipagusa­p sa kanila. Marami na silang utang”. Wakasan na ang telenovela ng pagtatrayd­or! Hindi pa rin ninyo gets? PSG na ang tinira.

Ilang buhay pa ng AFP at ng PNP ang dapat malagas at ilang pamilyang Pilipino pa ang magluluksa bago magising sa bangungot na magkaiba ang kapayapaan­g nais ng Pamahalaan at ng kampon nina Jose Ma. Sison?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines