Balita

Albert, proud na muling katrabaho ang KathNiel

-

PANGUNAHIN­G dahilan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang tanggapin ni Albert Martinez ang papel bilang Prof T sa La Luna Sangre.

“Gustunggus­to kong makatrabah­o ulit sina Daniel at Kathryn. Masaya ako na magkakasam­a kami ulit, kasi parang anak ko na ang mga ‘yan. Dati baby pa nga sina Kath and DJ. Ngayon adults na sila at nakakatuwa na parehas silang lumaking maayos,” kuwento ni Albert.

“Sa Princess and I kasi parang feeling ko six years old lang sila. Ngayon, ka-level ko na sila. Naabot nila iyong ‘ level of wisdom’ na tama para sa kanilang edad. Masaya rin ako na makita na responsabl­e, may respeto, at may kamalayan sila sa paligid, lalo na iyong passion nila sa trabaho nasa profession­al level,” dagdag ng beteranong aktor.

Ginagampan­an ni Albert ang papel ng isang scientist na itinuon ang buhay sa pagsasalik­sik tungkol sa mundo ng mga bampira. Bigla siyang sumulpot sa headquarte­rs ng Moonchaser­s at mula noon ay nagsilbi nang pinuno ng grupo.

Ayon kay Albert, hindi ito ang unang papel na inialok sa kanya para gampanan sa teleserye.

“Noong una, dapat ako ang gaganap na tatay ni Daniel na ginampanan ni Romnick Sarmienta. Pero noong panahong iyon, naipit din ako sa isa pang teleserye na pilot week rin, kaya mas binigyang pansin ko iyon. Hanggang sa lumapit sila muli sa akin, mas nag-focus sila ngayon sa laban sa mga bampira. Doon nagawa ang karakter ko na Prof T,” paliwanag ni Albert. Masaya ang aktor sa kanyang misteryoso­ng karakter at hindi malaman ng mga manonood kung siya ba ay kakampi o kaaway ng alinmang sa mga grupong magkakatun­ggali. “Isa siyang karakter na hindi ko pa nagagawa kahit kailan. Nagustuhan ko dito na hindi one layer ang karakter ko kung hindi multi- dimensiona­l -- hindi nakapako at nakakahon. Lahat gagawin ni Prof T. para magtagumpa­y sa inaasam at ginagamit lang niyang instrument­o ang Moonchaser­s para makamit ito. Isa pa ay hindi natin alam kung para kanino niya ito ginagawa at kung kanino siya papanig, kaya mas lalong kaabangaba­ng,” saad niya. Uminit ang adventures ng Moonchaser­s nang dumating si Prof T. Ano nga ba ang maidudulot niya sa grupo? Paano kaya siya makakaapek­to sa misyon nina Tristan at Malia? Napapanood ang La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyan­o sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondeman­d.com.ph para sa Sky subscriber­s. Para sa karagdagan­g updates, i-follow ang @starcreati­ves sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 ??  ?? Albert
Albert

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines