Cara Delevingne, natawa sa litratong nakasilip siya sa boobs ni Rihanna
LAHAT ng mata ay nakatutoktutok kay RiRi! Pinagtawanan ni Cara Delevingne ang sarili nang maging meme ang kanyang litratro na nakatitig g sa dibdib ni Rihanna.
Nagpakuha ng litrato ang ng British actress, 24, at ang pop star, , 29, sa red carpet sa London premiereiere ng Valerian and the City of a Thousandousand
Planets noong Lunes. Si Rihanna, gumaganap bilang ang shapeshifting alien na si Bubble sa pelikula, ay rumampang suot ang jaw- dropping red Giambattista Valli gown na kitang-kita ang malulusog na dibdib. Kinumpleto niya ang kanyang look sa Chopard earrings, Jimmy Choo clutch at burgundy lipstick.
Si Cara naman na gumaganap bilang si Sergeant Laureline sa pelikula, ay nakasuot ng black Burberry jumpsuit na may plunging neckline at embellished capelet. Naka-pulang lipstick siya at itim na headband para i-highlight ang kanyang platinum pixie.
Ibinahagi ng Suicide Squad actress sa Instagram ang meme na nakasilip siya sa dibdib ng katabi. “Cara is all of us,” nakasulat sa meme. Nilagyan ito ni Cara ng caption na may crying-laughing emoji at nakatag kay Rihanna. Sinabi ni Cara na masayang katrabaho sa pelikula ang Grammywinning singer. “We’ve been friends for five or six years. The first time we met, I was a model doing the Victoria’s Secret show and she was performing,” aniya sa ELLE nitong unang bahagi ng buwan. “Five years later, we’re both doing a Luc Besson film. It’s such a great thing to be able to do this with a friend.” Nagbahagi rin siya ng nakakatawang anecdote tungkol kay Besson habang idinidirihe si Rihanna upang maging emosyonal habang kinukunan ang isang eksena. “There was a moment when he said, ‘OK, so how do I make her vulnerable? Pretend your album doesn’t do well.’ And she was like, ‘You clearly don’t know how to make me upset, because I wouldn’t give a s--t.’”