Balita

Fans dismayado sa kanselasyo­n ng concert tour ni Justin Bieber

- Ni ABIGAIL DAÑO

KINUMPIRMA kamakailan ng MMI (Music Management Internatio­nal) Live na kanselado na ang concert ni

Justin Bieber sa bansa na itinakda sa Setyembre 30, 2017 bilang bahagi ng Purpose World Tour 2017 ng young artist.

Nang ihayag ang tungkol sa concert kamakailan, mahigit kalahating oras pa lamang simula nang buksan ang online selling ng tickets ay 10,000 kaagad ang naibenta ng ticket outlets.

Ngunit matapos ang mahigit 150 show sa anim na kontinente, isang pahayag mula sa kampo ni Bieber ang ipinost nitong Lunes sa Facebook na nagsasabin­g hindi na matutuloy ang mga natitirang concert ng young artist sa Los Angeles, New York, Minneapoli­s, Boston, Toronto, Japan, Pilipinas, at Singapore.

Nagalit at nadismaya ang karamihan sa kanyang fans sa biglaang pahayag ng young artist. “PATHETIC!! Our household has had tickets to his Pasadena show on our ur fridge for 5month! They even made posters!! My girls are devastated!! Beyond disappoint­ed in you Justin! Your so annoying!!! (sic)” komento ng isang fan sa post ng kanselasyo­n.

“Masama loob ko sa pag- cancel ng tour ni Bieber. Pahirapan naman sa refund,” komento naman ng isang Pinoy fan.

Pero marami ring tagahanga ang sumang-ayon sa desisyon ni Bieber at sinabing tama lang na magpahinga muna ito. “Kuddos to @justinbieb­er take all the time off u need, you’ve been working for too damn long, GO FIND YOURSLEF, GOD BLESS,” tweet ng isang fan.

Dumepensa rin kay Bieber ang ilang sikat na kapwa niya performer. “When someone pulls remaining dates of a tour, it means they would have done real damage to themselves if they kept going. We’ve lost so many great artists lately. I give Justin (two thumbs up) for realizing it was time to call it,” post ni John

Mayer sa Twitter. Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na dahilan ang kampo ni Bieber sa kanselasyo­n, bagamat sa isang interview sa singer na lumabas nitong Martes ay humihingi ito ng dispensa sa fans, sinabing nais lamang niyang mag-relax sa ngayon at sumakay sa bisikleta.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines