Balita

5 utas sa buy-bust, anti-criminalit­y campaign

- Mary Ann Santiago

Patay ang tatlong drug suspect sa buy-bust operation at dalawang iba pa sa anticrimin­ality campaign ng Manila Police District (MPD), sa magkahiwal­ay na lugar sa Maynila, iniulat kahapon.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun, ng MPD- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), unang napatay si Antonio Natividad, ng Labores Street sa Pandacan, dakong 1:00 ng madaling araw kamakalawa.

Nagsagawa ng operasyon laban kay Natividad sa riles sa pagitan ng Barangay 836 at 838, ngunit nanlaban umano ito kaya napatay.

Sa imbestigas­yon naman ni SPO4 Glenzor Vallejo, napatay si Marlon de Guzman, tinatayang nasa edad 25-30, at isa pang ‘di pa nakikilala­ng suspek, 30-35 anyos, nang manlaban sa buy- bust operation sa Quirino Highway sa Malate, dakong 3:25 ng madaling araw kahapon.

Samantala, sa anti-criminalit­y operation ng MPD- Station 5 ay napatay ang dalawang ‘ di pa nakikilala­ng lalaki na hinihinala­ng sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay PO3 Dennis Turla, ng MPD-CAPIS, nagpapatru­lya ang awtoridad nang mapuna ang dalawa na kahina- hinala ang kilos sa isang eskinita sa Block 15-B, malapit sa seawall sa Baseco Compound sa Port Area, dakong 2:20 ng madaling araw kahapon.

Lalapitan umano ng mga pulis ang mga suspek ngunit biglang kumaripas ang mga ito at nang makorner, bumunot ng baril at nagpaputok ang isa sa mga suspek hanggang sa nauwi sa kanilang pagkamatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines