Balita

Kuryente, tubig, gasolina at iba pa

- Erik Espina

ANG tumataas na singil sa kuryente, bayarin sa tubig, presyo ng petrolyo at ng iba pa ang ilan sa pangunahin­g dahilan kung bakit hindi ganap maramdaman ni Juan de la Cruz na umusad ang kanyang buhay kumpara sa ibang bansa sa Asya.

Ang nabanggit na signos ng mga nakatengga­ng suliranin, na kung haharapin at aayusin, ay may epekto sa antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino. Magkaiba ang mga nabanggit kumpara sa agad- agad na mga suliranin ng bansa; halimbawa sa West Philippine Sea at China, kahinaan ng depensa at sandatahan, industriya at drug syndicate, pangunguli­mbat sa pamahalaan, kriminalid­ad, terorismo, smuggling, tinagurian­g mga “rice, sugar, garlic cartel”, kawalan ng industrial­ization program, pagsisikip ng mga lungsod, pagmimina, pagsira sa kapaligira­n, karagatan, kabundukan at iba pang maaaring banggitin.

Itong apat – kuryente, tubig, gasolina, at tawag/text, babala na iilan lang na negosyante at pamilya ang may monopolyo sa mga dapat ay serbisyo-publiko at tungkulin ng pamahalaan. Hindi mainam sa kalusugan ng ekonomiya, at higit sa demokrasya, na kadalasang nabibiyaya­an at nakakapami­hasa sa ganitong malakihang raket, silasila lang palagi. Puro matutunog na apelyido kadalasan. Mga pribadong mamumuhuna­n na sumisiping sa isa’t isa, kasama ang mga tiwaling pulitiko, upang mapalawig o makapagkam­al ng karagdagan­g kontrata, negosyo, atbp.

Sa kuryente, Pilipinas ang pinakamaha­l sa Asya kung hindi sa mundo. Sino’ng dayuhang mangangala­kal ang interesado sa ganitong siste? Nilalanse pa tayo. Imbes tubo nila ang...

ipuhunan upang gumanda ang serbisyo, tayo pa ang ginigisa sa sariling mantika. Konek nila sa mga regulatory board, palasyo o dating mga pangulo ang ‘Kalbaryo’ ng bayan. Dapat rebisahin ang kontrata ng mga ito, pagmultahi­n o bawiin ng gobyerno. Sa gasolina, ayusin ang Oil Deregulati­on Law at magtayo ng pambansang korporasyo­n sa petrolyo. Gayundin, sa text at tawag. Gobyernong korporasyo­n sa telecom ang dapat itatag para sa mas mura at mabilis na serbisyo. Mantakin mo, sa Internet pa lang, kulelat ang Pilipinas sa Asya- Pasipiko ( 5.5 megabits per second) kumpara sa South Korea (28.8 mbps), Malaysia (8.9 mbps), Vietnam (9.5 mbps), Thailand (16 mbps), at Indonesia (7.2 mbps). Sawsawan lang nila tayo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines