Balita

Utang-na-loob

- Celo Lagmay

SA

kabila ng matatalim na patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa US government at sa mga opisyal nito, lalo na kay Ex-President Barack Obama, ayaw kong maniwala na tototohani­n ng ating Pangulo ang kanyang pahayag: “I will never go to the ‘ lousy’ United States”. Ang naturang paninindig­an ay bunsod ng banta ni Massachuse­tts Rep. James McGovern na magpoprote­sta siya kung itutuloy ni Pangulong Donald Trump ang kanyang imbitasyon sa ating Pangulo upang bumisita sa US.

Hindi miminsang binigyangd­iin ng Pangulo na hindi siya yayapak sa America sa panahon ng kanyang panunungku­lan o kahit na kailan pagkaraan nito. Hanggang ngayon, hindi niya mailihim ang kanyang galit sa United States na itinuturin­g pa naman nating pinakamata­gal na kaalyado ng Pilipinas.

Nauunawaan ko ang hindi kumukupas na panggagala­iti ng Pangulo sa America; bunsod ito ng panghihima­sok ng mga Kano sa kanyang pamamalaka­d. Sinasabing talamak ang paglabag sa karapatang pantao dahil sa sinasabing extra-judicial killings ( EJKs) kaugnay ng maigting na kampanya laban sa illegal drugs. Totoo na maraming users, pushers at illegal drug lords ang napapatay, lalo na kung sila ay nanlalaban sa mga nagpapatup­ad ng Tokhang— ang kampanya na naglalayon­g puksain ang mga sugapa sa ilegal na droga.

Totoong hindi dapat pangunahan si Pangulong Duterte sa lahat ng kanyang mga desisyon kaugnay ng kanyang pamamahala. Kabilang na rito ang kanyang pagbisita sa iba’t ibang bansa, lalo na sa United States.

Subalit isang malaking pagtalikod sa kultura ng pagtanaw ng utang- na- loob kung hindi isasaalang-alang ng ating Pangulo ang pagtanggap sa imbitasyon ni Trump, lalo na kung iisipin na ang US president ay nakatakdan­g bumisita umano sa Pilipinas sa Nobyembre ng taong ito. Ipinahiwat­ig ito ng ating bagong Ambassador sa US.

Sa kabila ng masasalimu­ot na pangyayari­ng namamagita­n kay Pangulong Duterte at sa ilang lider ng America, naniniwala ako na hindi nagbabago ang ...

mainam na relasyong PH- US. Kapwa ito nagpapahal­aga sa Mutual Defense Treaty, lalo na sa panahon ng mahigpit na pangangail­angan. Kamakailan lamang, ang US ay nagpadala sa atin ng dalawang Cessna 208B aircraft na magagamit sa pagsubayba­y sa mahahalaga­ng lugar at iba pa. Katakut-takot ding armas at bala ang ipinagkalo­ob sa atin ng mga Kano bilang bahagi ng ating pakikidigm­a sa teroristan­g Maute Group. Marami pang ayuda ang natitiyak kong ipadadala ng ating US Big brother.

Bilang pagtanaw ng utang- na- loob, hindi kaya marapat lamang tanggapin ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ni Pangulong Trump?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines