Balita

Gifted Pinoy kids, pinahalakh­ak, pinabilib, at pinaluha ang press

- Ni REGGEE BONOAN

PAGKATAPOS ng special preview ng napakagand­ang unang episode ng Little

Big Shots ( LBS) Philippine­s, ang bagong reality show ng ABS-CBN na mapapanood na simula sa Sabado, Agosto 12 at Linggo, Agosto 13, tinanong sa Q and A si Billy Crawford kung paano siya napili bilang host nito.

“Actually po, hindi ko po inisip kung makukuha ko ang (hosting job). To be honest, I’ve just found out about the show recently lang from the States, ‘yung kay Steve Harvey.

“Sa totoo lang, hindi ko po alam kung bakit napunta sa akin, the best thing I can say is, I’m really thankful. For me, it’s not a competitio­n sa host kasi hindi po ‘yung host ang pinakaimpo­rtante po rito, ang title ay Little

Big Shots, ang mga bida po rito ay ang mga kabataan.

“It was a challengin­g role for me to play kasi I wouldn’t expect... like si Steve Harvey or the other hosts sa ibang bansa, mga parents na po sila, eh. So ‘yun po ‘yung nagpanerbi­yos sa akin kasi wala pa akong anak. Mahilig ako sa mga bata, obviously, fiancée ko is 10 years younger, pero mahilig po akong makipaglar­o sa mga bata and I don’t know. I guess, talagang bigay na ni Lord ito sa akin and I really couldn’t ask for more and I’m so, so happy to have this job,” paliwanag ni Billy Boy.

Sinulat namin kamakailan na dalawa silang nag-audition ni Ogie Alcasid, pero ang fiance nga ni Coleen Garcia ang napili ng Warner Bros, ang franchise owner ng LBS.

“Hindi ko po alam, kasi pareho po kaming

nag-audition pero hindi kosa sa kamingLui, akin.akin nakita,“To ‘Mag-auditionna nag-auditionSi­nabibe ako I honest,think nga lang one rawka,ni hindikasi daySir mayang sabi lang sa akin ni SirLui Andrada) ‘yung ahead si Kuya Ogie ko alam na sabaynapil­i. bagong programa ganito-ganyan.’binigyanan­ong “At gagawinsi lang Kuya ako ko Ogie, Walang sa spielsmga wala talaga akong alam kasi bata. bahala na ako kungakong masabi kasi akin, nu’ngsa akin si in-announce‘yungKuya Ogie. programa,na nila ang sa akin na napunta unang nag-text sa

proudyou “Sabi anytimeof you, niya, youI will ‘Bro, need alwaysI’m me.’ happy for you, I’mbe right here behind Kasi si Kuya Ogie, simulaOgie, it’s bata nothingpa naman about ako competitio­n talaga. ‘Yunkilala ko na si Kuya nga, wala I’m akong still masabishoc­k na kay napunta nga sa akin, peroKuya Ogie,” maayos na paliwanag ng TV host/actor. Ayon kay Billy, tatlong bata at mga staff ng LBS Philippine­s ang kasama niya sa audition at walang management from abroad pero binidyuhan at iyon ang ipinadala sa Warner

“It’s an audition, whether you get it or you don’t,” say ng TV host/acttor. “Regardless kungBros.to do it ano all.” ‘yun, I just tried my best, I just tried

Kailangan pa bang kabahan si Billy, e, dito lang naman sa Pilipinas ginawa ang audition?

“Huwag nating ilalang ang Pilipinas, tayo ang pinaka-judgmental, tayo ang pinakamata­ray

pagdating sa comments or what. We have something to say na mga Pinoy, so kaya ako nanerbiyos.

“But I was nervous actually dealing with kids kasi ‘yung Face Kids ( Your Face Sounds Familiar) mga propesyuna­l na bata o singers o performers, 90% they’re all have their own albums or winners. Itong mga batang ito (sa LBS) were strangers to me, so kailangan ko silang kilalanin, that was the hardest part, doon ako ninerbyos, kasi paano ako makakakone­k sa mga bata.”

Kaya labis-labis ang pasasalama­t ni Billy sa buong team ng Little Big Shots na mahuhusay mag-research tungkol sa kids at inalalayan siya sa tapings na nagsisimul­a ng 8 AM at natatapos ng 7 PM.

Umeere na sa 15 countries ang LBS at hindi ito pakontes bagamat may kaunting benepisyo namang ipinagkaka­loob sa mga bata ayon sa business unit head ng programa na si Lui Andrada.

“Of course we will give them something at habang naghahanap kami ng talented kids at kausap namin ang mga magulang, iisa lang naman talaga ang sinasabi nila, ‘we want to make our family proud,’ ‘we want our parents to be proud of us,’ so ‘yun lang, sapat na sa kanila.

“At ang maganda kasi rito, ‘yung entire franchise niya sa buong mundo kapag nagustuhan sila, papupuntah­in sila sa ibang bansa. “Like for example si Ella Nympha ( The

Voice Kids), di ba, nagustuhan siya sa Amerika? Now, si Ella pupunta na ng Israel at Spain. ‘Yung tineyp naming episodes (ng Little Big

Shots), mayroon na ro’n tatlong napili kasi nu’ng nagti-taping kami, nandito ‘yung consultant ng Warner (Bros), nag-identify na siya na ‘we want this kids for US’, so ganu’n,” paliwanag ng bossing ng programa.

“It’s not the monetary thing, kundi ‘yung maging proud ang parents ng mga bata,” dagdag pa ni Lui.

Samantala, napangiti, napahalakh­ak, napabilib, napaluha at napa- wow ang entertainm­ent press sa napanood naming pilot episode ng Little Big Shots dahil sadya namang napakahuhu­say ng mga batang gifted na nagpakitan­g-gilas sa tulong ni Billy.

Una naming napanood si Alyssa, 9 years old na pole dancer na natutuhan niya sa edad na apat. Napangiti kami dahil sa murang edad ay alam na niya ang gusto niyang gawin sa buhay at posibleng maging propesyon pa niya ito pagdating ng araw.

Napahalakh­ak naman ang lahat ng tatlong taong gulang na si Rodzen na supercute at bibo at nakasuot pa ng diaper dahil sa kakulitan. Crush na crush niya ang batang aktres na si Zia

Vigor na umapir sa show at riot ang encounter nila.

Nakakaaliw ang pagiging inosente ni Rodzen na kapag kinakausap ni Billy at marinig ang awiting One Call Away ni Charlie Puth ay hindi mapigilang makisabay pati na ang pagsasayaw ng Ang Kulit na unang sinayaw ni Onyok.

Napabilib naman ang lahat kay Janice na sa edad na limang taon ay marunong nang magtanggal ng tinik ng isda. Nagsimula siya sa edad na tatlo gamit ang sariling kutsilyo at chopping board.

Naging emosyonal at napaluha naman kami sa kuwento ni JM Javier, 9 years old, miyembro na ng FMD Junior hip-hop dance group, at lumaki sa tiyahin na pinagkatiw­alaan ng kanyang magulang.

Dala siguro ng kalungkuta­n ay naghanap ang bata ng makakapagp­asaya sa kanya at nakilala niya ang FMD Junior na nagturo sa kanya ng dance moves. Walang takot sa mga pag-tumbling ang pinakabata­ng miyembro ng grupo. Ang huling ipinapanoo­d sa amin ay si

Zidane Klyde Rosario Torregoza, 3 years old at naka-diaper din pero marunong nang magbasa. Talagang napa-wow ang lahat dahil sa murang edad ay saulado na niya ang geography ng buong mundo. Lahat ng bandila ng bawat bansa ay alam na ni Klyde.

Lima pa lang ‘yung napanood namin, huh, paano pa ‘yung mga susunod na episodes?

 ??  ?? Billy at Rodzen
Billy at Rodzen
 ??  ??
 ??  ?? Billy at Janice
Billy at Janice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines