Balita

Marka ng Pirates, dudungisan ng Generals?

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (EAC gym) 2 p.m. -- EAC vs. Lyceum (jrs/srs)

NAGHIHINTA­Y ang patibong sa pagdayo ng Lyceum of the Philippine­s Pirates sa Emilio Aquinaldo College (EAC) gym para harapin ang Generals sa pagpapatul­oy ng “NCAA on Tour” ng Season 93 basketball tournament ngayon sa Ermita, Manila.

“We’re looking to that, we’re looking to be the first team to beat Lyceum,” pahayag ni EAC Generals coach Ariel Sison matapos maitala ang unang back-to-back win ngayong season kasunod ng 85-79 nilang panalo kontra Arellano University nitong Martes.

“We will do everything.I don’t know what to do but what I have in mind is just the way we beat them last year. I will review how we beat them last year and hope that it will be enough to beat LPU on Thursday.”

“We will not allow them to beat us on our homecourt,” aniya.

Tangan ng Pirates ang 6-0 karta at lubhang mabigat ang hamon para sa Generals kung mapipigila­n nila ang pambato ng Lyceum na sina CJ Perez at kambal na Marcelino.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4: 00 ng hapon kasunod ng salpukan ng kani -kanilang junior teams ganap na 2:00 ng hapon.

Tatangkain ng Generals na maitala ang ikatlong sunod nilang tagumpay sa pang -anim nilang laban na magpapatib­ay ng kanilang kapit sa ikatlong posisyon.

“Yun naman talaga ang identity namin, making stops, defense. Secondary na lang yung offense, “pahayag ni Lyceum assistant coach Jeff Perlas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines