Balita

Misis kinasuhan ni Bautista ng robbery extortion

- Mary Ann Santiago, Bella Gamotea, at Beth Camia

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na sinampahan niya ng mga kasong kriminal ang asawang si Patricia Paz Bautista sa Taguig City Prosecutor’s Office kasunod ng akusasyon nito na nagkamal siya ng P1-bilyon illgotten wealth.

Ginawa ni Bautista ang kumpirmasy­on habang papalabas kahapon sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City, sa pagsisimul­a ng pag- iimprenta ng mga balota na gagamitin para sa Barangay and Sanggunian­g Kabataan elections (BSKE).

Ayon kay Bautista, kasama niya ang kanyang pamilya nang isampa niya ang mga kasong grave coercion, qualified theft, robbery at extortion laban kay Patricia sa piskalya ng Taguig nitong Martes.

“We already filed a case. We did file a case. We filed a case for grave coercion, for qualified theft and robbery and also for extortion which is in the form of grave threats and light threats,” sinabi ni Bautista sa isang panayam sa telebisyon.

Muling nanindigan ang Comelec chairman na ang ginagawa ng kanyang asawa ay bahagi lang ng pangingiki­l at panggigipi­t nito sa kanya.

Umapela rin si Bautista sa media na huwag masyadong bigyan ng atensiyon ang personal na away nila ng asawa para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Sinabi rin niyang natukoy na ng kanyang kampo ang “political forces” na nasa likod ng desisyon ni Patricia na isapubliko ang kanilang sigalot.

Samantala, kasama sa iimbestiga­han ng National Bureau of Investigat­ion ( NBI) ang mga posibleng anomalya sa Presidenti­al Commission on Good Government (PCGG) na dating pinamunuan ni Bautista.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, bukod sa posibleng pagkakaroo­n ng nakaw na yaman, sinisiyasa­t din ang posibilida­d na nalabag ang Anti-Money Laundering Act at Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa mga alegasyon laban kay Bautista.

Maaari ring gamiting ebidensiya sa posibleng impeachmen­t trial laban kay Bautista ang magiging resulta ng imbestigas­yon ng NBI, ayon kay Aguirre.

Paliwanag ni Aguirre, dahil may immunity from lawsuit si Bautista, hindi maaaring kasuhan sa korte ang opisyal. Nangangahu­lugang upang maipursige ang kasong kriminal sa korte ay kakailanga­nin munang bumaba sa puwesto o ma-impeach si Bautista.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines